Nag-ngingitngit pa rin ang puso niya sa kadahilanang napilay siya at hindi siya makakasayaw tapos ay may personal bodyguard pa siya. Okay lang sana kung aalis agad ito sa kasamaang palad hihintayin pa talaga siya nito hanggang lunch break kahit na kasama naman niya sina March at Larennce pati na rin si Xancho. Sa lahat ng pwedeng mag-alaga sa kanya pwede naman na si Xancho nalang dahil nga ito iyong kadugo niya at kapatid niya pero hindi eh talagang ito pa ang naglakas ng loob na magpresentang maging personal driver, doctor, nurse and alalay. Okay lang din sana kung siya talaga ang dahilan ng pinunta nito sa school nila mukhang nag-eenjoy naman yata ito sa atensyon ng mga girls doon. Mga malalandi talaga at saka naalala niyang may girlfriend nga pala ito ng tanungi

