She can't remember when did she stopped crying, basta natagpuan nalang niya ang kanyang sarili sa hindi pamilyar na lugar. It was a cliff in the inner part of the forest na basta nalang niyang pinasukan. Bukas ang kanyang phone, kanina pa sunod-sunod ang missed calls na hindi niya sinagot. Ayaw niya munang may makausap ngayon, unti-unti na ring nababawasan ang galit niya at pagkadismaya. She needs to accept the fact na hindi talaga lahat ng bagay na pinaghirapan mo ay makukuha mo. Gaya nalang ng pinakamimithi niyang uno. Hindi siguro para sa kanya iyon, ginawa na niya ang lahat todo effort na siya nagbilad na nga siya ng balat tapos wala pa rin. One point one isn't a bad score, pero iyong thought na nagbigay ng perfect score ang dalawa meaning magaling sila pero may isang sina

