BAGO sila pumasok sa room ay hinarap muna niya si March na natuod na naman, wala ng kulay ang mukha nito at rinig na rinig niya ang malakas na t***k ng puso nito. Wala pa man ay pinagpapawisan na ang kanyang dance partner and she hates it when he is like this. “March.” Untag niya dito. Napatingin lang ito sa kanya. Malakas niya itong niyugyog para magising ito. “March, I want that one point zero for grade. Please, umayos ka.” “P-pero si Jair iyon paano kung magalit siya sa akin?” “He won’t pero ako kapag hindi ko nakuha ang grade na iyon kapag pumalpak ka I swear hinding-hindi kita mapapatawad, hindi ka na makakalapit pang muli sa crush mo.” Nanlaki naman ang mga mata nito. “I-I don’t have one!” pasigaw nitong sabi.

