Chapter 4

1125 Words
            HE SNAPPED!             Gusto niyang mapangisi sa kanyang naisip habang karga siya ni Jair na parang sako ng bigas. Nakakainis kasi ito akala mo kung sinong hari kung makapag-utos sa kanya pwes tingnan lang natin. Kaya nga niya ito ininis ng ininis habang nagsasayaw siya kanina.             “Baby Xy! Where are you?” narinig niyang sigaw ng mommy niya mabilis siyang nabitiwan ni Jair. Hindi alam ng mga magulang niya ang mga pambubully nito sa kanya, napangisi ulit siya ng tingnan siya nito ng masama. She was saved by the bell.             “Nandito ako mommy sa baba.” Sagot niya.             “I’m done with your custome’s design baby babagay ito sa iyo.” Napatingin ito kay Miggy. “Hello there inaanak, ang gwapo mo talagang bata ka.” At yumakap ang mommy niya kay Jair. Si Jair naman ay nakatitig lang sa kanya, galit na galit of course.             “Really mom? I want to see the design.” Nagkunwari siyang excited, as long as nasa malapit lang ang mommy niya ay alam niyang hindi siya nito mahahawakan.             “Come here where’s March?”             “Nagpapahinga lang po mommy.” Umakbay siya sa mommy niya.             “Come here baby Jair tingnan mo ang custome ni Xyler magugustuhan mo ito.” Gusto niyang umismid, wala namang ibang gusto si Jair kundi ang buwisitin siya kaya kahit anong ipakita ng mommy niya ay alam niyang may ‘say’ na naman ito. Basher niya ito eh.             Agad siyang umupo sa tabi ni March na agad na naging statwa ng akbayan niya. Gusto talaga niyang mapahalakhak sa hitsura nito, nagpupunas pa nga ito ng pawis sa noo nito at tila maiihi na sa kinauupuan nito.             “Are you okay March?” nag-aalalang tanong ng mommy niya na nakatingin kay March.             “I-I’m okay tita napagod lang siguro ako sa practice.” Anito at pasimpleng inaalis ang braso niya sa balikat nito pero idiniin niya ang pagkakakapit dito.             “Mom, designed our custome.” Bulong niya kay March kahit sobrang lapit na nila.             “R-really? That’s nice I think mananalo na talaga tayo makukuha mo na si uno.” Parang robot na tumawa pa si March.             “Sinong Uno?” takang tanong ng mom niya.             “Mommy grade iyon, as in one.” She said with conviction.             “I thought you already have a crush.” Napangiwi siya sa sinabi ng mommy niya, sinulyapan niya si Jair na kampante ng nakaupo sa tabi ng mommy niya habang hawak ang cellphone nito. Siya naman ngayon ang nagtaka ng makita na nagcurve ang side ng lips nito, bigla siyang kinabahan dahil sa ngiting iyon ni Jair. Alam niyang may naisip na naman itong panlaban sa kanya.             “Ninang, I think I have to go my mom texted me kailangan ko siyang sunduin sa hospital ni daddy.”             “Sure, baby Jair, just tell your mom I’m going to visit soon.”             Lumapit ito sa mommy niya at hinalikan ito sa pisngi. “Sure ninang.” Tapos ay bumaling ito sa kanya at naglakad palapit sa kanya, at bahagya pa siyang napaatras ng dumukwang ito. Nakita nito ang kaba sa mukha niya kaya napangisi ito ng lihim at saka hinalikan din siya sa gilid ng kanyang mga labi na ikinatigil niya.             “Watch out Xy.” Bulong pa nito sa kanya. “Bye Xyxy, see you some time.”             Nakasunod lang ang tingin nila sa papalayong lalaki habang siya ay sinasaway ang malakas na t***k ng puso niya. Mabuti nalang at hindi nakita ng mommy niya ang ginawa nitong paghalik sa gilid ng kanyang mga labi. Pero nakita iyon ni March kaya nga nakatanga naman ito sa kanya ngayon.             “Here anak tingnan mo, ang ganda hindi ba.” Tuluyan ng nawala ang excitement niya napilitan siyang sulyapan ang sketch ng mommy niya at napangiwi ulit. Maganda nga iyon pero pakiramdam niya ay hinuhubaran siya. Hindi kasi siya sanay na nagsusuot ng ganoon, hindi siya sanay na nagsusuot ng maiiksing mga kasuotan.             “Makikitaan niyan ako mommy.” Bulalas niya.             “As if naman papayag ako hindi papayag ang daddy mo kapag nakitaan ka baby ko kaya safe ka sa design na iyan at saka may isa pang papatay sa mga taong tititig sa sexy body mong mana sa akin.” Tinaasan lang niya ng kilay ang mommy niya.             “Sino?”             “Si--- Xancho!” anito sabay tingin sa kapatid niyang papasok ng bahay na may bitbit na isang supot na may lamang gold fish.             “Po?”             “Hindi ba?”             Parang timang ang kapatid niya na tumango. “Yes, mom.” At humalik ito sa pisngi ng ina at nag-hello kay March at saka pumasok na sa studio kung saan nito ilalagay ang pobreng gold fish na nabili nito or kinuha nito.             “Kailan ba ang sayaw na iyan? Pwedeng pumunta?”             She wrinkled her nose. “No mom, please don’t at saka classroom competition pa naman iyan eh. Kapag nanalo kami ay sa foundation day ng school pwede mo kaming panoorin.”             “For sure mananalo ka niya at makukuha mo si uno.”             She smiled at her mom, makukuha niya ang uno na iyon by hook or by crook.               “ARE you ready?” tanong ni Renz sa kanya, tamang-tama kasi na vacant ito. “Bakit para kang kinakabahan samantalang confident na confident ka noong isang araw?” natatawang tanong nito.             “Paano ba naman kasi akala ko si sir lang ang magjujudge, may dalawang judge pa pala. Paano kung pangit ang taste ng judge na iyon?” aniya habang inaayos ang pagkakazipper ng kanyang suot na mahabang varsity jacket ni March. Hindi pa rin siya komportable sa suot niyang sobrang iksi although may mas maiksi pa sa suot niya. Ang sabi naman ni Renz ay hindi naman daw siya mukhang bastusin bagay pa nga daw sa kanya dahil maputi daw siya at litaw na litaw ang kulay niya sa suot niyang costume.             Inutusan din ng mommy niya si Renz na kumuha ng video dahil ang kapatid niya ay todo ang supporta sa kanya. Hindi nga nito nagustuhan ang suot niya pero talo sila sa mommy nila kahit nga daddy niya ay talo sa mommy niya.             “Eh di galingan mo ng husto worth it naman ang uno na iyon hindi ba?” nakangiting itinest nito ang cellphone nito.             “Nakakainis ka alam mo naman na manang-mana ka sa kuya mong man--.” Muntik na niyang masabi ang description niya dito na ‘manyak’, “Matalino na hindi na kailangang mag-effort dahil ang uno na mismo ang lalapit sa iyo.”             Sumimangot naman si Renz. “Mas matalino ang kuya ko ang hirap niyang ireach.” Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Renz sa kapatid nito. Dahil nga sa sobrang layo ng gap ng dalawa kaya hindi gaanong close ang magkapatid at si Jair masyadong mahigpit kay Renz kaya nga close ito kay Xancho at sa kanya dahil nagkakaintindihan silang tatlo.             “Atleast mas maganda ang ugali mo keysa sa kapatid mong parang ewan.” Irap niya pa na ikinatawa nito.             “Baka mainlove ka na sa kanya ha okay lang sa akin na tawagin kang ate.”             “Tse!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD