Chapter 3

2698 Words
            “Nag-away ba kayo ni kuya?” nag-aalalang tanong ni Renz sa kanya ng maglunch sila ng sabay.             “No.”             “Bakit feeling ko iniiwasan mo siya?”             Tiningnan lang niya ito.  “Hindi ko siya iniiwasan hindi lang talaga kami friends.” Palusot niya dito.             “Bakit kapag si kuya ang pinag-uusapan ay parang gusto mong ichange ang topic. Ano ba ang nangyari?”             Napatingin siya kay Renz, she is her bestfriend pero kapatid din nito si Jair. “Don’t worry hindi kami masyadong close ni kuya alam mo naman na six years ang gap namin.”             Kahit sabihin na hindi ito close sa kapatid nito she can still see how protective Jair is towards Renz. “Kapag nagkakausap nga kami ni kuya palagi niyang tinatanong ang tungkol sa iyo nakakapagduda na nga.”             “Duda?”             “Yup, I have this strong feeling na may gusto si kuya sa iyo.” Napatawa siyang bigla sa sinabi nito. Si Jair may gusto sa kanya? Yup, gusto nga siya gusto siyang asarin. “Bakit ka natatawa? Totoo naman ang observations ko ah.             “Kung gusto niya ako hindi niya ako papaiyakin dahil nagsumbong siya kina mommy about the driving incident. Kung gusto niya ako hindi siya makikipaglandian sa iba hindi ba at sa halip ay maghihintay siya. He needs to reserve himself for me pero alam naman na natin na impossible iyon.”             “Asus, as if naman hindi ka nagseselos kapag may kasamang bagong girlfriend si kuya.”             “Bakit nabaliktad na naman sa akin ang usapan  na ito?”             “Kasi po lalaki si kuya normal lang na magaganyan siya.”             “That’s not an excuse. At saka right now ayoko munang pag-usapan si Jair kumukulo ang dugo ko sa kanya.”             “Sabi mo eh.” Ipinagpatuloy na nila ang pagkain pero hindi pa rin naiaalis sa isip niya ang sinabi ni Renz. May gusto sa kanya si Jair? Ewan ba niya may munting kiliti siyang naramdaman sa puso niya dahil sa ideyang iyon.             Hindi na niya sinabi kay Renz ang ginawa nitong pag-akyat sa silid niya dahil alam niyang bibigyan lang nito ng ibang kahulugan ang bagay na iyon. She wanted it to be a secret.             Pagkatapos nilang kumain ay agad siyang nagpunta sa next class niya, PE kasi ang sunod niyang class medyo late pa nga siya.             “Okay class since Miss Sebastian is already here, she will be March’s partner.”             Hala? Ano raw?             “Pardon sir? Anong partner?” nagtawanan ang mga classmates niya sa kanyang tanong. Napa-upo na siya sa pinakamalapit na vacant seat at tamang-tama naman na katabi niya na ang partner daw niya.             “Sa sayaw.”             “Sayaw?” Pabulong na tanong niya pero dinig ng buong klase. “Bakit tayo sasayaw?”             “Dahil sa pagkakaalam ko Miss Sebastian classical dance ang PE natin hindi ba?” natatawang sabi ng professor nila. “And everyone is doing their part and you and March will do the same.”             “A-anong klaseng sayaw ba iyan?”             Tinitigan niya ang katabi niya, gwapo naman si March maraming classmates and schoolmates sa batch nila na may crush dito. Except her because she can’t pinpoint it may something na kulang dito.             “Competitive ballroom dancing.” Sagot nito.             Hanuraw? Competitive ballroom dancing?             “Parang dance sport?”             March chuckled. “Yes, parang ganoon na nga.”             “No f*****g way.” Wala sa sariling bulalas niya. “Anong category?”             “Tango.” Mas lalong hindi maipinta ang mukha niya. It’s not that she hasn’t dance before, sumasayaw din naman siya noong high school pa siya dahil hobby na rin niya iyon lalo na kapag stress siya.             “You are going to perform it together with the other students of your year level infront of the entire school population.” Magrereklamo na sana siya ng maunahan siya ng mga classmates niya na gusto ng magharumintado sa narinig. Tumawa ang professor nilang ang sarap itapon sa Pacific Ocean. “You are going to compete with the entire class at pipili ako ng isa na magpaparticipate sa gaganaping foundation day.” Doon lang siya nakahinga ng maluwang. “Pero kailangan niyong galingan dahil kapag kayo ang nanalo sa class level automatic uno na ang grades niyo. This is a one in a lifetime opportunity I rarely give one for grades.”             Crap! She wants that one as grades. Hindi man halata pero siya ang klase ng tao na gagawin ang lahat para sa grades. Hindi siya mahilig mag-aral pero gusto niya ng malaking grades may pinapatunayan kasi siya. Gusto niyang maungusan si Jair, gusto niyang ipakita dito na kaya din niyang magtop. She will be a summa c*m laude too just like him.             “Galingan natin March.” Determinadong baling niya sa katabi.             “Akala ko ba ayaw mo?”             “Wala akong sinabi kailangan atin ang uno na grade, okay?”             “O-.”             “Okay?”             “Fine, okay. So, your place or my place?”             “Sa bahay nalang namin may dance studio doon and nandoon si mommy magpapaturo tayo sa kanya.”             “Determinado ka talaga no?”             “For the name of Uno.”             Natawa na ito sa kanya.               AND when she said she wants to have that uno as grade for their PE gusto na niyang sumuko. Lalo na ng makita ang susuotin niyang sapatos. Nang sabihin kasi niya sa mommy niya na may activity silang sayaw ay ito na mismo ang nag-ayos ng lahat. Her mom hired the best choreographer and even planned for their outfits already.             “Ang ganda ng mommy mo.” Bulong ni March.             “Mommy ko iyan, eh. Kanino ba ako magmamana?”             “Hindi ka mana sa kanya-.” Sinamaan niya ito ng tingin. Kahit papaano ay naging komportable na sila sa isa’t isa. They joke and they laugh ang hindi lang kasundo nito ay si Renz na trip din nitong asarin.                  “And what do you mean by that?”             “Iba ang ganda mo-.”             “Baby nandito na ang daddy mo.” Mabilis siyang tumayo ng isigaw ng mommy niya ang pagdating ng daddy niya. Umalis kasi ito ng isang linggo sa isang conference. Paglabas niya ay napangiwi siya sa kanyang nasaksihan.             “Ewww.” Agad na naghiwalay ang parents niya na naghahalikan as if wala pang anak ang dalawa. Tumatawang nilapitan siya ng daddy niya at hinalikan sa noo. “Hi dad.”             “Hello baby and who the hell is this guy?”             Bamboo shoot! Nakalimutan niyang allergy pala ang daddy niya sa ibang lalaki. “Si Jose Marcelo Grande po dad, partner ko sa sayaw.”             “Sayaw? Anong sayaw?”             “Project sa school po, sa PE namin. Kami po ang partner kaya nagpapractice kami dito malapit na kasi ang class level.” Tiningnan nitong mabuti ang kasama niya na ngayon ay putlang-putla na. Ang sarap pagtawanan ni March habang hindi alam kung ano ang sasabihin sa daddy niya. Pagtitripan niya ito mamaya.             Mataman na tinitigan nito si March. “Hindi mo nililigawan ang anak ko?” paninigurado ng daddy niya.             “N-naku hindi po Sir.” Matigas na sagot nito na para bang iniinterogate ng isang heneral.             “Sino ang mga magulang mo?”             “Ang daddy ko po ay si Jose Marco Grande the first, ang mommy ko po ay si La-Laura Juana Grande. May isa po akong kuya si Jose Marco Grande The second, pangalawa po ako Sir.” Nakita niya ang mommy niya na pigil na pigil ang pagtawa sa sagot ni March.             “Aren’t your dad the owner of Asia del Sol Airlines?” sunod-sunod na tumango si March.             “S-siya nga po.”             “Anong major mo sa college?”             “Aeronautics po, gusto ko pong maging piloto.” At sumaludo pa talaga ang bruho.             “Dad naman eh huwag mo ng takutin si March baka hindi na iyan makapagsayaw.” Paglalambing niya sa daddy niya.             “Hindi mo sasagutin ang binatang ito understand.” Napakamot na siya ng ulo sa katigasan ng ulo ng tatay niya.             “Dad hindi nga siya nanliligaw he is a friend okay and friend din siya ni Renz.”             She heard March snorted and say something like no way. Pinandilatan niya ang binata at saka inambahan ng suntok kaya ngumisi na lang ito.             “Darling, halika na alam kong pagod ka sa biyahe.” Paglalambing ng mommy niya. Tumango lang ang kanyang ama pero hindi nito nilulubayan ng tingin si March hanggang sa makapasok na ito sa loob ng silid ng mga ito.             “Now I know kung saan ka nagmana.”             “Anong sabi mo?”             “You got your looks from your dad and your fierceness from him too. Nakakatakot kaya ang ganoon.” Napangisi siya ng maaala ang hitsura nito kanina. “Hindi pa nakakabalik ang dugo ko, oh holy sheet of white bondpaper!” bulalas pa nito.             “Masyado kang OA, halika na nga magpapractice pa tayo.” Hila niya dito papunta sa sala. Hindi sila pwede sa dance studio nila dahil inangkin na iyon ni Xancho. May mga malalaking aquarium doon at sinabihan siya nito na hindi pwedeng mag-ingay dahil baka madisturbo daw nila ang mga isda nito. “Magchange ka ng pampractice na damit.” Pinasamahan niya ito sa katulong nila sa banyo na malapit sa kitchen habang siya naman ay mabilis na umakyat sa kwarto niya at nagbihis.             Isang maiksing cotton shorts lang ang suot niya at isang tight racerback sando dahil mas comfortable siya doon. Itinali niya ang kanyang mahaba at kulot na buhok may mangilan-ngilang maiiksing kulot ang nakawala sa tali niya pero hindi nalang niya iyon pinansin. Bitbit niya ang kanyang four inches na sapatos na gagamitin niya sa practice.             Tamang-tama naman na pagbaba niya ay nakalabas na rin ito sa banyo. Naka-tight shirt lang ito at isang jogging pants and dancing shoes. Napatingin ito sa kanya at napangisi ng makita ang ayos niya.             “What?”             “Kung hindi ko lang talaga trip si---.” Natigilan ito. “Baka ligawan na rin kita.”             “Narinig ko iyon!” sigaw ng daddy niya. She laughed and rolled her eyes.             “Baliw, halika na practice na tayo kailangan ko ang uno na grado na iyon okay? We need to be the best.”             Napailing nalang si March habang  inaayos ang sarili nito. Nanood muna sila ng mga Tango sa youtube bago napagpasyahan kung ano ang steps ang susundin nila. Dumating na rin iyong nahire nilang choreographer, they do some warm up and after that ay nagstart na sila ng ibang steps. Minor lang kung tutuusin ang PE pero hindi niya iniisip na minor lang iyon, iniisip niya na ang lahat ng subjects niya may kinalaman man o wala sa PE ay major and she needs to ace it.             Hindi na nila namalayan ang oras dahil nag-eenjoy sila sa kanilang ginagawa. Si March kasi madaling makasundo no wonder marami itong chicks sa school nila, may sense of humour din kung sana si Jair ganito hindi siya makakaramdam ng takot.             “Perfect na sana.” Biglang singit ng choreo nila. “Kaya lang may kulang.”             “Anong kulang?” humihingal na tanong niya.             “Sparks. Walang sparks.”             “Kuryente ganoon?”             “No, kailangan niyong magpakita ng emotions. Love. Lust. Passion and fire. Kailangang may ganoon pero sa inyo parang wala eh, wala talaga.”             Muli siyang napakamot ng ulo. “Sir, para sa school po ito hindi po kami professional na sumasayaw and besides we aren’t lovers we are friends.”             “Oh well, given the fact. Kailangan niyo nalang magpretend na mahal niyo ang isa’t isa, you need to pretend that you are lusting each other.”             Napangiwi siya sa sinabi nito. “Eww.” Sabay pa nilang sabi ni March tapos nagtawanan ng malakas.             “Ganito nalang may babaguhin ako sa routine.” Lumapit ito sa kanila at niyakap silang dalawa. “Ikaw hijo kunwari ay hahalikan mo si Xy and you Xy won’t kiss him of course dahil patay ako sa daddy mo. Iiiwas mo lang ang labi mo sa kanya, kailangan na maging aggressive kayo mas close pa.”             Tumango sila, dahil nga sa wala namang malisya sa kanila ni March ay mabilis nilang nagawa ang routine. They are in the middle of their practice doing the ‘almost kissing’ act when she was grabbed away from March’s arms.             “What the-.” Naputol ang mura niya ng may maramdaman na kakaibang init at kuryente na dumadaloy sa buong katawan niya dahil sa hawak na iyon. At hindi na niya kailangan pang magtanong kung sino iyon dahil kahit nakapikit makikilala at makikilala niya iyon. “Jair!”             Madilim na madilim ang mukha ni Jair, parang nagrerelease na ito ng yelo sa buong katawan nito. He is looking at her fuming with much anger while si March naman ay tila nabahag ang buntot at nagtago sa likod ng choreographer nila. Lumingon si Jair kay March.             “Who the hell are you?” galit na tanong nit okay March na napalingon.             “Hi pare uhm dance partner ako ni—ni…” his voice is shaking. “Xyxy.”             “Don’t you dare call her Xyxy, call her Xyler or Xyler Faith-.”             “Jair ano ba? Masyado kang OA bakit ba galit na galit ka?” he is still wearing his white school uniform so malamang galing pa ito sa school. Tapos hindi pa siya nito pinansin dahil muli nitong pinasadahan siya ng tingin at ng makita ang ayos niya ay mas lalong umigting ang galit nito sa kanya.             “Go to your room and change. Bakit ka nagsusuot ng ganyan?” ang sarap sapukin ng heels ang lalaking ito.             “Dahil nagpapractice kami hindi mob a nakikita?” iwinaksi niya ang braso nito na may hawak sa kanya. “At saka huwag mo nga akong utusan dahil hindi kita daddy.”             Naglakad siya palayo dito dahil natatakot na rin siya sa malakas na kalabog ng puso niya habang katabi ito. Linapitan niya si March na ang lamig-lamig.             “Magpapractice kami dahil grades namin ang nakasalalay dito. Kung ayaw mo akong makita ng nakaganito umalis ka na.” pero sa halip na umalis ay naningkit lang ang mga mata nito at saka umupo sa sofa na kaharap sa kanila. Nang sa tingin niya ay hindi na siya nito papakialaman ay saka lang sila bumalik sa practice.             “Nakakatakot ang boyfriend mo.” Tudyo ni March sa kanya.             “He isn’t my boyfriend OA lang talaga iyan kuya iyan ni Renz,” ganting bulong niya.             “WHAT?” Natigil silang dalawa dahil sa OA na sigaw nito. “Kuya siya ni Renz?” biglang naglilikot ang mga mata nito na para bang hindi mapakali. “My goodness kung sobrang higpit niya sa iyo paano nalang kay Renz. Patay na talaga.” Bulong-bulong pa nito sa sarili nito.             “Anong binulong-bulong mo diyan?” tanong niya.             “W-wala sabi ko magpractice na tayo.” And they did kaso parang naging taong tuod si March. Para bang takot na takot na hawakan siya at hindi na nga nila naexecute ang mga steps na madali na lang sa kanila. Naiinis na rin siya dito dahil kapag nagpatuloy ito hindi na siya makakakuha ng uno.             “Ano ba March? May problema ba?”             Sunod-sunod na tumango ito. “Natatakot ako.”             “Ano ba ang kinatatakutan mo?”             “Pakiramdam ko ay sisibatin niya ako sa tingin niya kapag hahawakan kita. I need to save my life ilalaan ko pa ito para kay-kay Crush.”             “Ang OA mo ha,” sinulyapan niya sa tabi si Jair at saka nakaisip ng kapilyahan. Kung iyon ang observation ni March na ayaw nitong pahawakan siya then siya ang hahawak hindi naman siguro mali iyon hindi ba?             She will dance to her heart content, she will dance with March but she will definitely seduce him… that man. Yes, that man who loves to bully her. She will make him see that she isn’t a baby at kahit seventeen pa lang siya ay mas higit siya sa mga babaeng dinedate nito.             “I don’t like that smile.” March said.             “But I love it.” She said winking secretly at him.             “From the top.” Utos ng choreographer nila.             She distanced herself from March and sway her hips seductively.  Lihim na napa-iling nalang si March and when the beat starts, she swears to God she would love to do this again infront of him. She is dancing effortlessly with her hips on the air and her body floating like a butterfly flying in the meadow. And when the most awaited part came at last, sinadya niyang itama ang mga labi nito sa noo niya at pinadausdos ang katawan niya hanggang sa ilang centimetro nalang ang layo ng kanilang mga labi. Dapat ay umiiwas na siya sa ngayon pero hindi siya umiiwas, she can feel the heat of his lips into hers kahit na hindi iyon nagdadampi. Alam niyang nagulat si March pero hindi ito nagpahalata. Habang nagsasayaw ay mas lalo niyang idinidiin ang katawan niya sa pobreng kasayaw hanggang sa idinampi niya ang mga labi  niya sa leeg nito at pinadaan iyon sa pawisan nitong dibdib.             And the music start. Kasabay ng pag-angat ng katawan niya sa ere dahil may biglang bumuhat sa kanya, kailangan pa bang itanong kung sino iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD