Kapag daddy na niya ang kaharap niya ay nangangatog na ang tuhod niya, inis na inis siya kay Jair. Halos lahat ng pakiusap ay ginawa na niya para hindi sila nito isumbong ng ihatid sila nito. Sinamaan pa nito ng tingin si Kuya Eon samantalanga wala naman itong ginagawang masama sa kanila. Nang hawakan kasi siya ni Eon kanina ay kulang nalang ay suntukin ito ni Jair, mabait kaya si Eon hindi katulad ng sumbungero na iyon. Mahiwa sana ang atay niya ng scalpel!
Nang dahil sa pagsusumbong nito ay heto mapapagalitan na siya ng daddy niya, ang mommy naman niya ay sinermunan na siya.
“How many times do I need to tell you not to drive Xyler Faith?” buong pangalan na iyan kaya alam niyang galit na talaga ang daddy niya. “At sinama mo pa ang kapatid mo sa kabaliwan mong iyan. Para saan pa at may driver ka tapos magdadrive ka?”
Humugot siya ng malalim na buntong-hininnga. “Ang OA naman kasi daddy eh bakit si Xancho tinuruan mong magdrive bakit ako hindi pwede? Ang daya naman halatang may favoritism.” Hindi niya napigilang usal at halata sa boses niya ang sama ng loob niya sa kanyang ama, napansin niyang natigilan ito tapos ay napasulyap sa mommy niya. “Kung hindi mo ako tuturuan eh di magpapaturo ako sa iba.”
“Anak, hindi naman sa ganoon. Huwag mong isipin na may favoritism I love you and Xancho you are my angels.”
“Bakit siya tinuruan mo bakit ako hindi?”
“Ayokong maaksidente ka.”
“Bakit si Xancho gusto mong maaksidente kaya mo tinuruan siyang magdrive? ANg bad mo daddy!” hindi niya napigilang pakli, sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagtawa ng mommy niya habang ang daddy naman niya ay napipilan mukhang hindi nito mahanap ang dila nito.
“Magpahinga ka na Xy.” Utos nito sa kanya.
“Ganyan naman kayo palagi eh.”
“Xy, nakita ko ang mommy mo ng maaksidente siya ng kotse ayokong mangyari sa iyo iyon. Si Xancho lalaki siya-.”
“Ang unfair nasaan ang itinuturo niyong gender equality daddy iyong walang lamangan at lahat pantay-pantay? Malaki na ako dad hindi na ako bata.” Tumayo na siya mula sa pagkakaharap sa ama “Tama nga kayo dad kailangan ko ng magpahinga because I will never understand.” At patakbong tinungo niya ang kanyang silid at inilock iyon.
“Xyler!” tawag pa ng daddy niya pero hindi na siya nakinig pa dahil nasa loob na siya ng kanyang silid. Naghubad na siya ng mga damit niya at nagpunta sa banyo upang magshower para na rin tanggalin ang init ng ulo niya. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng matching pajama at agad na dumapa sa kanyang kama.
“Xyxy, baby.” Malambing na katok ng mommy niya. At dahil naiinis siya ay hindi siya kumilos. “Are you sleeping na?”
“Inaantok na ako mom.” Sagot niya dito.
“Good night baby.”
“Night-night din po.” She turned off the lights and stare at her dark ceiling. Hindi nakatulong ang shower sa pagpapababa ng init ng ulo niya. Alam niyang mali na sagutin ang mga magulang niya pero kapag nasa katwiran naman siguro hindi naman siguro masama ang magsalita hindi ba?
Kahit na pigilan pa siya ng ama niya ay matututo rin siyang magdrive, ngayon pa bang nasimulan na niya? Napayakap siyang bigla sa katawan niya ng biglang lumamig sa buong silid niya and then she yelp whe someone touched her arm. Pero bago pa man siya makasigaw ay may tumakip na sa bibig niya at dumagan sa katawan niya.
Nagpumiglas siya dahil hindi niya kilala ang taong pumasok sa kanyang silid… itinulak niya ito at sinipa pero malaki sa kanya ang kung sinuman ang pumasok. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at galit at magwawala na sana ng biglang bumaha ng ilaw ang buong silid niya mula sa lampshade na katabi ng kanyang kama.
Ganoon na lang ang paghikbi niya dahil sa takot ng makilala ang kanyang intruder. Tinakpan niya ang kanyang mga mata, magkahalong relief at takot kasi iyong naramdaman niya kanina. Akala naman niya ay kung sino si Jair lang pala!
“Buwisit ka! I hate you! Bakit mo ako tinakot ng ganoon?” umiiyak na anas niya. Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya tapos ay tinulungan siya nitong umupo at inabot nito ang isang baso at pitsel ng tubig. May katabi siya palaging tubig dahil tinatamad siyang bumaba kapag nauuhaw siya. Tinulungan siya nitong uminom hanggang sa mahimasmasan siya.
“Okay ka na?”
“I will never be okay!”
Itinaas ito ang mukha niya tapos ay tiningnan ang iba’t ibang parte doon. “Good, wala kang galos at pasa.” Pati braso niya ay tiningnan din nito. Bigla siyang pinamulahan ng mukha lalo pa at wala siyang suot na bra, maagap naman niyang nayakap ang sarili. “Psh, huwag kang mag-alala hindi kita pagnanasahan. I have seen better.” At ang lakas ng loob nitong insultuhin siya sa mismong silid niya.
“Bakit ka ba nandito?”
“Checking.”
“Gusto mong malaman kung napagalitan ako? Pwes, oo napagalitan ako wala ka talagang puso nakiusap na ako sa iyo sinumbong mo pa rin ako.” Inis na piksi niya.
“You deserve it sinabihan ka na namin na hindi ka pwedeng magdrive.”
“At bakit hindi?”
“Makinig ka nalang para sa iyo din ang utos namin.”
She glared at him. “It’s not for me para sa inyo lang iyon ang seselfish niyo.” Malakas siyang napasinghap ng bigla nitong hawakan ang baba niya at itaas nito iyon. Kaharap na naman niya ang mga mata nito, those eyes who were telling her to follow his every whim and his every request. Bigla siyang nauhaw bigla.
“Selfish huh? I think you right.” Hinampas niya ang kamay nito pero hindi man lang ito natinag. Bigla nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya gaya ng ginawa nito sa kanya ten years ago. And just like a decade ago her body froze, as if the time stops from revolving. Ganito ang effect ni Jair sa kanya napaparalisa siya at hindi siya agad makagalaw.
“Ja-Jair ano ba?”
“You are still so young baby.” At hinaplos pa nito ang gilid ng kanyang mga labi gamit ang hinlalaki nito. Napasinghap siya ng malakas. “Yes, just like that. I am happy that I affect you the same way you affect me baby. Always bear in mind Xy, I will be your first and last.”
At pinadausdos pa nito ang mga daliri niya sa naka-expose na leeg niya making her shiver on the spot. Isang malaking ngisi ang pinakawalan nito na para bang alam na alam nito ang naging reaksyon ng katawan niya.
“No other man will give you this kind of effect Xyler.” Bulong pa nito sa kanya. “Ako lang. And I want you to remember this, when the right time comes, I am going stake my claim on you. From the start, we both know you are mine.”
“You don’t own me Jair.” Inis na pakli niya. “No one owns me but myself.”
Itinulak siya nito upang mapahinga siya and then he covers her body with his. “I own you Xyler bata ka palang akin ka na.”
“No--! Bakit ako inaangkin mo samantalang ikaw ang daming girlfriends mo.”
“Oh, I can sense jealousy baby.”
“Hindi ako nagseselos nandidiri ako sa iyo.” His face suddenly darkened and his eyes suddenly becomes shady. “A-ang dami mong babae.”
“When the right time comes Xyler baby you will claim me too, you can have the full me.”
“Hindi darating ang araw na iyan dahil hindi ikaw ang gusto kong i-claim.”
“At sino? Si Eon ba?” bakas na sa mukha nito ang galit ng banggitin nito ang pangalan ng nagturo sa kanyang magdrive. “Tell me si Eon ba ang gusto mong kumuha sa iyo?” galit na tanong nito and his angry voice gives her chill. Ito iyong boses nito na ayaw na ayaw niyang marinig, it’s like she is talking with a devil.
“Ano ba Jair natatakot na ako sa iyo.” Nanginginig ang boses na ani niya dito. Totoo naman kasi iyon natatakot siya dito.
“Dapat lang na matakot ka Xyler because no one will ever claim you but me. Everything about you is mine.” His body is trembling due to anger at hindi siya baliw upang gatungan ang galit nito. Pero hindi din niya napigilan ang sarili niyang hindi ito sagutin.
“Kung sinuman ang magke-claim sa akin ako na ang bahalang pumili doon Jair and mind you wala ka sa listahan ko-.”
Isang malakas na singhap ang napakawalan niya ng bigla nalang nitong salakayin ang kanyang mga labi. His lips were attacking her own lips in the cruellest way, crushing every inch of it punishing her for talking back.
Itinulak niya ito pero maagap nitong nahawakan ang mga kamay niya mukhang naanticipate na nito ang gagawin niya. Itinaas nito ang kayang mga braso sa may bandang ulo niya pinning it on place. His body is now pinning her own making it hard for her to escape from him.
Umungol siya bilang protesta pero iba ang naging epekto nito sa binatang humahalik sa kanya.
“Don’t make any noises kung ayaw mong maabutan tayo ng mga magulang mo sa ganitong sitwasyon. Mas mapapadali ang pag-angkin ko sa iyo kapag nagkataon.”
Umiwas siya ng muli nitong idampi ang mga labi nito sa mga labi niya pero matalino si Jair dahil nagawa uli nitong maangkin ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong ito mas mariin at mas mainit, mas mapusok ito. His tongue is already inside her own mouth playing her own and no matter how she tried to resist it still her body is betraying her.
Hanggang sa unti-unting bumaba ang mga labi nito sa leeg niya habang ang isang kamay naman nito ay unti-unti ding tinatanggal ang butones ng suot niyang pajama top. Doon lang siya tuluyang natauhan kapag hinayaan niya ay may mangyayari sa kanila. She is still seventeen nearly eighteen at hindi ito ang pinangarap niyang first time niya.
“Jair please tama na.” pakiusap niya pero para itong bingi sa kanyang mga daing, tuluyan na nitong natanggal ang lahat ng butones ng kanyang suot at pinagapang ang palad nito sa ibabaw ng isa niyang dibdib. Doon na siya napahikbi na naging dahilan kung bakit ito natigilan.
“Crap!” ang narinig niya mula dito ng bitiwan nito ang kanyang mga kamay at umalis sa ibabaw niya. Muntik na iyon, muntik na talaga. Niyakap niya ang sarili dahil ayaw niyang makita nito na ganoon ang hitsura niya. “Xyler baby I’m sorry.” Hingi nito ng paumanhin sa kanya pero patuloy lang siya sa paghikbi. Nagsalin ito ng tubig pagkatapos ay inubos nito para siguro mahimasmasan din ito. “You shouldn’t have provoked me alam mo kung ano ang kaya kong gawin.”
Hindi siya umimik dahil inayos niya ang kanyang sarili, muli itong bumalik sa tabi niya at hinila siya nito. Ito na mismo ang nagbalik sa butones ng suot niya pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo.
“Don’t provoke me again dahil uulitin ko ito hanggang sa magtanda ka. Akin ka lang Xyler Faith tandaan mo iyan. Pagdating ng panahon uulitin ko ang ginawa ko ngayon at sa oras na iyon hindi ka na makakawala pa.” at tumayo na ito saka lumabas sa kanyang silid mula sa bintana kung saan siguro ito dumaan kanina. She curled above her bed hugging herself in attempt to forget what just happened.
He kissed her.
He touched her.
He scared her.
And yet she loved him… pero hindi nito pwedeng malaman dahil kapag nalaman ito iyon alam niyang mas mapapadali lang nito ang pagkuha sa gusto nito mula sa kanya.
She might be young and naïve but definitey she is not stupid. She bowed to the stars and the moon, she will never let herself submit to him. Hindi na siya magiging sunod-sunuran sa lahat ng gusto nito.
“XY.” Malambing na tawag ng daddy niya sa kanya kinabukasan ng magising siya. Sabay-sabay silang nag-aalmusal ng mga sandaling iyon. Her eyes were still fluffly from her cryings last night. “I’m sorry anak.” Hindi niya tiningnan ang ama akala siguro nito ay ito ang dahilan kung bakit siya umiyak ng buong magdamag. “Galit ka pa ba kay daddy?” malambing na tanong nito.
Umiling lang siya pero hindi niya ito tiningnan, right now she just want to sleep until her headache is gone. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ama niya sa kanya.
“Aalis na ako dad, mom.” Paalam niya sa mga ito kinuha niya ang bag niya na nakalagay sa kabilang upuan.
“Hintayin mo si Renz, Xyxy. Wala si Mang Ador dahil may sakit ang anak niya kaya sabay nalang kayong tatlo ni Xancho.” Malumanay na pigil ng mommy niya. Tahimik na bumalik siya sa pag-upo at naghihintay sa pagdating ni Renz. Nag-aalala din siya kay Renz baka kasi napagalitan ito ng mga magulang nito. Kung si Jair ay galit nag alit sa ginawa niya malamang mas galit ito kay Renz dahil kapatid nito iyon.
“Nandiyan na si Renz ate.” Untag ni Xancho sa kanya. Tumango siya at saka naglakad palayo ng hilahin siya ng daddy niya para yakapin.
“Sorry Xy,” bulong nito sa kanya at hinalikan siya sa noo ganoon din ang mommy niya hinalikan siya sa noo pati na si Xancho ay hinalikan din ng mga magulang niya.
Somehow naiintindihan naman niya ang pag-aalala ng mga magulang niya sa kanya ayaw lang ng mga ito na masaktan siya. May ibang gusto ang mga ito tapos may iba din siyang gusto, kung gusto niyang makuha ang gusto niya ay dahil nagmana rin siguro siya sa mga ito na kung anuman ang magustuhan ay gagawa ng paraan para makuha iyon.
“I understand dad.” Hindi nalang niya kukulitin ang mga ito, gagawa siya ng paraan para matutong magdrive hindi nalang siguro niya ipapaalam. Malapit na rin siyang mag-eighteen kaya pwede na siyang kumuha ng lisensya.
Paglabas niya ay parang gusto niyang bumalik sa loob ng bahay ng makitang kasama ni Renz ang kapatid nito. Iyon ang ginawa niya kaya lang ay nahuli siya ni Xancho.
“Late na tayo ate.”
“Mauna ka nalang Xanch. Wala pala akong klase sa first and second subject ko,” pagsisinungaling niya.
“Sure ka?”
“Yup.” Tinulak niya ang kapatid niya na nagtataka pa agad siyang pumasok sa bahay ng makasalubong niya ang mommy niya.
“Hindi ka pa papasok?”
“N-nagtext ang classmate ko mom wala pala kaming pasok sa first and second subject ko.” Napansin niyang paalis na rin ito. “Sama nalang ako sa inyo sa boutique.”
“O, sige. Mabuti pa nga dahil may ipapasuot ako sa iyong bagong dress bagay iyon sa iyo anak.” Excited na sang-ayon ng ina habang siya ay gusto namang mapangiwi. She hates it when her mom is making her a Barbie doll. “Let’s go?”
Paglabas nila ay wala na sina Renz kaya nakahinga siya ng maluwang. “Ay, mommy false alarm pala iyon may class pala kami. Nagjoke lang pala iyong naggroup message sa amin.”
“Sayang naman hindi ka tuloy nakasama sa kanila-.”
“Ako nalang po ang maghahatid ninang.” Para siyang natulos sa kinatatayuan niya ng marinig ang boses ni Jair sa likod niya. Nanlalamig ang kanyang buong katawan at napahawak siya sa mommy niya.
“Thanks God, thank you baby Jair.”
“You’re welcome tita.”
“Mom, hindi na po magtataxi nalang po ako.” Sa isang iglap lang ay nahawakan na ni Jair ang nanlalamig na palad niya.
“Let’s go Xy male-late ka na.” Malambing na sabi nito na para bang nakikipag-usap ito kay Renz. Ang lakas ng kaba ng dibdib niya at ang lamig-lamig ng pakiramdam niya. Super bait kasi nito kapag kaharap nito ang mommy niya pero kapag siya na ay nababaligtad na ang tasa.
“Magmadali ka na anak.” At hindi na siya nakapalag ng kunin ni Jair ang mga gamit niya at hilahin siya sa kotse nito na nasa hindi kalayuan. What a smart jerk! Mukhang napansin nitong iniiwasan na niya ito kaya nagtago ito sa hindi kalayuan. She should never underestimate Jair Gilmore’s way of thinking.
Pinasok na siya ni Jair sa passenger’s seat habang ito naman ay sa harap ng manibela. Tahimik lang siya at nakatingin sa buong biyahe maaga pa talaga para sa first subject niya, ten pa ang unang class niya pero mas gusto niyang pumasok ng maaga dahil sa gusto niyang ihatid si Xancho baka kasi ibully ito at tumatambay siya sa library para matulog. Busy siya sa tahimik na pagmamasid ng mapansin na iba ang daan na ang tinatahak nila.
“T-teyka lang hindi ito papuntang university ko,” natatarantang baling niya dito. Hindi ito umimik at basta nalang nagdrive. “Jair hoy malelate na ako.”
“It’s still seven in the morning Xy your first class starts at ten.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “How did you know my schedule.”
“I have my ways.”
“I-ibaba mo nalang ako dito-.” Impit siyang napatili ng bigla nalang nitong kabigin ang kotse at huminto sila sa gilid ng kalsada. She collected her things and opened the car’s door but unfortunately, it’s locked. “Open it.” Utos niya dito.
As if naman makikinig ang lalaking ito dahil kinalas lang nito ang seatbelt nito at saka bumaling sa kanya. He caught her eyes at lakas loob niya itong tinitigan din kahit na sa loob niya ay parang nagwawala na sa kaba.
“Did you cry?”
She snorted. “Anong pakialam mo kung umiyak man ako?” inis na tanong niya dito.
“Baby-.”
“Don’t baby me Jair dahil parents ko lang ang may karapatang tawagin ako ng ganyan at hindi kita bibigyan ng permiso na tawagin ako ng ganyan.”
Anger flashes through his eyes. “I told you Xy don’t provoke me alam mo kung paano ako magalit.” His voice is as dangerous as a sharp blade.
Hinawakan niya ang sariling palad ng magsimulang manginig iyon sa takot, Jair is the only person on earth who can give her this kind of fear. Mukhang napansin naman nito ang takot niya, hinawakan ng Jair ang kanyang chin at inilapit sa mukha nito so close for her liking.
“You will always be my baby Xyler.” Malambing na ulit ang boses nito at nabasa niya sa mga mata nito na para bang nahihirapan ito. “This is not the right time yet so I want you to behave.” Hinila siya nito at hinalikan ang noo niya then down to her right eye and left eye. “Huwag kang umiyak namamaga ang mga mata mo okay?”
Hinaplos din nito ang kanyang likod soothing her unwary feelings toward the guy who took her breath away. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nitong ‘not the right time yet’ dahil hindi naman ito nagbibigay ng eksplinasyon sa kanya.