“Uuwi ka na baby girl?” tanong ng mga classmates niya, nasanay na yata ang mga ito na tawagin siyang baby girl dahil daw sa kanilang lahat mas mukha daw siyang baby face. Hindi naman siya nagreklamo dahil nga sa panganay siya sa pamilya kaya mas gusto niyang ibaby si Xancho, sa mga classmates siya nakakaramdam ng ganitong katiwasayan. “Hindi pa muna ako uuwi may pupuntahan muna ako.” Excited na tugon niya. “Sa Devil’s ka ba pupunta?” Umiling siya. “Not now, may iba akong pupuntahan.” Pinusod niya ang mahabang buhok gamit ang lapis na nakuha niya mula sa kanyang backpack. “May date ka na baby girl naku hindi mo kami pwedeng unahan.” “Sira! Hindi ako makikipagdate may pupuntahan lang talaga ako.” At nasabi na ba ni

