NAGISING siya na masakit ang ulo at ang likod niya, agad niyang nayakap ang sarili ng umihip ang malamig na hangin sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at ikinurap pa iyon upang matingnang mabuti kung saan siya naroroon ng mga oras na iyon. “Nasaan ako?” nanghihinang tanong niya kasabay ng pagsigaw ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa nagugutom na tiyan. “In our haven baby.” Namumungay ang mga matang tiningnan niya ang nagsalita na si Jair. Doon lang niya naalala na may inispray ito sa kanya pagkatapos nitong ibato ang cellphone niya sa bintana. Hinilot niya ang kanyang noo na may pumipintig naramdaman naman niyang inalis ni Jair ang kamay niya doon at ito ang nagtuloy sa kanyang magmamassage. At kahit ayaw niyang amin

