(Ava’s POV) Limang buwan na ang nakalilipas mula ng umalis sina Cleo at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sila nakikita. Nahalughog na yata namin ang bawat sulok ng pilipinas at ang ibat-ibang bansa pero talagang wala pa rin siya. Kahit nga sa lahat ng ari-arian nila ay hinanap na namin siya pero talagang wala sila. “Hindi talaga ako naniniwala na mag-isa si Cleo na nagtatago, siguradong may nagtatago sa kanya, gaya noon,” I said dahilan para mapatingin sa akin ang mga kasama ko. “Tama ka, tulad noong itinago siya nina Blake sa america na hindi natin nahahalata,” Leanna also said. “Ang pagasa na lang natin ngayon ay kapag manganganak na siya, siguradong mahahanap natin agad siya sa mga hospital,” Storm also said. Nagkatinginan na lang din naman kami s

