(Ava’s POV) “Kaylangan na nating tapusin ang mga Reyes, kung gusto mong hanapin ang asawa mo Phoenix. Kaylangang tapusin mo muna ang mga sinimulan mo,” sermon ko kay Phoenix na dahilan para mapatingin siya sa akin. “Tama ang pinsan mo, kilala ko si Cleo hindi siya magpapakita kapag alam niyang hindi pa oras. At nandito lang ako para tumulong pero hindi pa rin ako natutuwa sa ginawa mo,” sabad din ni Blake sa usapan. Sa ngayon ay nandito muli kami sa bahay ni Phoenix. We’re staying here pero sina Blake ay umuuwi sa mansion ni Cleo, naroon pa rin kasi sina Tita at sina Isabel. Kahapon lang din inilibing si Anna, tuloy naman ang imbestigasyon sa pagkamatay niya. “Tama na yan, magtrabaho na tayo,” sabad sa amin ni Leon. Hindi na kami nagsalita at itinuloy na

