(Cleo’s POV) “Naka-pwesto na kami,” dinig kong sabi ni Blake sa ear device namin. Matapos niyang sabihin iyon ay nagkatinginan na lang din naman kami ni Dani na siyang kasama ko. Kapwa kami nakapwesto sa limousine na maghahatid kay Anna sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ni Phoenix. Maarte kasi ang babaeng iyon, gusto niya na lahat ng magsisilbi sa kanya sa araw ng kasal niya ay mga babae kaya mabilis naming napasok ang team niya. Pumasok bilang make-up artist si Blake para sa kanya at kasama niya sa loob si Cathy, dala rin ni Blake ang buong team niya. Sanay siya dyan, trabaho naman niya yan. Si Arielle naman ay nananatiling nagmo-monitor sa amin. Si Dani ang magda-drive ng limousine at kami ni Elisa ang sasakay sa naka-convoy na sasakyan sa kani

