(Cleo’s POV) “Akala ko ba ay hindi tayo makikialam?” Blake ask dahilan para mapalingon ako sa kanya. “Ito lang, bago ako manahimik gusto ko itong gawin.” agad kong sagot sa kanya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga binabasa ko. Pangatlong araw na naming naka-antabay sa mga Reyes. Kahit sinabi kong hindi ako makikialam ay nagbago bigla ang isip ko, I needed to kill her first bago pa lumaki ng tuluyan ang tyan ko. Kaylangan kong masiguro na mapapatay ko siya bago ako umalis at bago ko hayaan ang lahat kay Phoenix. “Ikaw talaga Blake alam mo nagkabati lang kayo ni Hunter naging neutral ka na,” sabad ni Dani sa amin. “Yeah right, mula ng magumpisa tayo hanggang ngayon paulit-ulit mo yang tinatanong,” Elisa also said. “Hindi naman sa ganoon, kaya lang

