(Cleo’s POV) Kagaya ng napagkasunduan, lumipat agad kami nina Phoenix ng bahay dahil sa nangyaring iyon. Napagkasunduan din namin na sa mansion namin kami titira at dito ay kasama namin sina Mama at Papa, dito rin muna sina ate Isabel dahil mas safe dito kaysa sa ibang lugar. Bantay sarado kasi ang mansion hindi kagaya sa bahay ni Phoenix na open masyado kahit na exclusive village. Dito naman kasi ay makakasiguro kaming safe kami at bago pa makapasok ang sinuman ay siguradong patay na sila. Pina-renovate rin naman ni Phoenix ang bahay namin at ganoon din ang ginawa ni kuya Leon sa bahay nila. Sa ngayon lahat kami ay dito na nakatira, kahit kasi sila Blake ay dito na rin muna. Malaki naman ang mansion, kahit ilan kami dito ay magkakasya kaming lahat. Sa mansion n

