(Cleo’s POV) Kitang kita ko na nagulat si ninang ng pagbukas niya ng pinto ng mansiyon ay mga tuta ang bumungad sa kanila. Hawak hawak namin sila at marami din kaming nahanap na tuta sa gubat, saktong sakto na oras narin ng pakain ng mga aso ngayon. “Helliana?!” Tawag sa akin ni ninang at napangiti na lang ako dahil alam kong hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya, ilang cage din ang dala dala namin ngayon. “Ang dami nila Mama.” Tanging sabi ko saka ako muling ngumiti sa kanya. “Ang dami nila anak. Saan mo sila nakuha?” Hindi niya makapaniwalang sabi saka niya inisa-isang tingnan ang mga tuta na dala namin, papalubog na ang araw ng umalis kami sa gubat, siguro naman nakuha namin lahat ng tuta na nasa paligid ng bundok. “Ipasusuyod ko na lang muli a

