(Ava’s POV) “Tama nga tayo ng hinala,” Massi said to us paglabas niya ng kwarto ni Cleo. “Hanggang ngayon galit pa rin siya, hanggang ngayon selos na selos siya, tang*na nakakatakot yung muka niya kanina.” Wala pa si Phoenix dito dahil nasa baba pa siya at kausap si Mia. Napahilamos sa muka si Massi habang naglalakad kami palayo sa kwarto ni Cleo, nagpunta kami sa sala dito sa second floor dahil nasa sala sa baba yung dalawa. “Bahala na kayo, ginawa ko na ang parte ko ha? Ayoko ng makita yun, mabubuhay pa ako ng malaya,” muling sabi ni Massi sa amin. G*go din ang isang to eh. “Paano sila magkakaayos ng tuluyan nyan?” I said and I heard Massi Tsk-ed. “Si Phoenix lang ang makakaayos ng sitwasyon nila, sabi ni Cleo nagseselos siya but she never judge, and t

