(Cleo’s POV) Inaantok pa ako pero maaga pa lang ay umalis na agad ako sa bahay, may gagawin pa kasi ako na hindi na pwedeng ipagpaliban. Bakit ba naman kasi ang hilig magpuyat ng mga kasama ko sa bahay? Nahahawa na tuloy ako sa kanila. Lalo na ang mga Ninong at Ninang ko at ultimo mga mga anak nila ay ganon din, tapos ayaw pa nila akong patulugin, at gusto nila akong idamay sa mga kalokohan nila. Hihikab-hikab pa akong bumaba sa sasakyan ko at lumapit sa gate ng bahay ko para buksan iyon, may kukunin lang din kasi akong ilang mahahalagang bagay bago ako bumalik sa bahay ni Phoenix. Sisipol sipol pa akong pumasok sa gate ng bahay ko pagkabukas ko noon pero nagtaka din kaagad ako ng makita ko ang pamilyar na kotse sa garahe ko. Bullshit, agad akong humanda at malalaki

