(Cleo’s POV) “Okay ka na ba talaga?” Storm asks again. Nilingon ko lang si Storm ng tanungin niya na naman ako habang busy kami sa pagta-trabaho sa office namin. Pumasok na kasi ako ngayong araw at hindi ko na pinakinggan ang bilin ni Phoenix. Matagal na kasi akong naka-pahinga, ayaw din niya akong papasukin but I insist kaya nakapasok din ako. “Alam mo? Pakiramdam ko nandito si Phoenix dahil sayo,” reklamo ko sa kanya na tinawanan niya lang naman. I just roll my eyes on him saka ako mahinang natawa, isa pa siyang makulit, nakatakas na nga ako sa makulit sa bahay tapos siya naman ang pumalit. “I just think you should go home, kalalabas mo lang ng hospital. Dapat ay nagpapahinga ka pa,” Storm said again. Hindi ko naman na pinansin ang sinabi niyang iyon, pa

