(Cleo’s POV) Agad akong napabangon sa parehong panaginip na lumuluha, hindi ko din napigilan ang sarili ko na mapahagulgol dahil sa bangungot na ngayon ko na lang muling napanaginipan. Hanggang ngayon ay nakakatakot pa rin ang mga imahe na yun, hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin akong nasasaktan. Masakit pa rin para sa akin ang lahat. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak saka ko lang na-realize na nasa apartment ko nga pala ako, kaya ba napanaginipan ko na naman ang bangungot na yun dahil nandito na naman ako? Hindi ko kasi napapanaginipan iyon kila Phoenix. Mayamaya lang din naman ay narinig ko na tumunog ang alarm clock ko hudyat na alas syete na, bumangon na ako at agad na naligo saka nagbihis. Pinilit ko naring tumahan at umaktong parang walang nangyari gaya n

