(Cleo’s POV) Pinalipas ko na lang ang maghapon ko sa pagaaral at pagbabasa, but when the clock reaches 4:00 pm nagdesisyon ako na igala na lang sa malapit na parke sina six at seven. Wala narin naman akong gagawin at isa pa ay nababagot na ako. Malalaki na ang mga aso namin, kahit tuta pa sila ay malalaki na sila dahil ganoon ang lahi nila, mabilis talaga silang lumaki. Nagsuot na lang din ako ng malaking jacket at 3/4 na denim pants saka kami agad na lumabas matapos kong isara ang mga pinto sa bahay. Tinalian ko na lang din sila para hindi na ako mahirapan dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating din kami agad sa park, umikot lang kami doon saka kami naupo sa isang bench matapos ang ilang sandali. Hindi na ganoon kainit ang s

