(Cleo’s POV) “Sana lahat bati na,” pangaasar sa akin ni Blake dahilan para matawa na naman ako. “Makipag-bati ka na kasi, ikaw lang din naman ang may ayaw,” agad kong sagot sa kanya. Naupo lang din ako kaagad sa sala kasama nila. Isang buwan na ang nakalilipas magmula ng bumalik kami sa bahay pero hanggang ngayon ay inaasar niya pa rin ako. Isang buwan narin kaming balik sa dating gawi, pagkatapos naming pumasok sa trabaho ay dito kami nagkikita-kita sa hideout. Minsan sa bahay ko mismo kami nagkikita-kita saka kami pupunta sa bahay namin ni Phoenix para mag-unwind bago kami muling maghiwa-hiwalay. Ganoon kami palagi, iba ang tinatrabaho nina Phoenix at iba din sa amin, gaya pa rin ng dati. Akala ko nga noon ay hindi na kami maaayos, na-blangko na lang ako n

