(Ava’s POV) “Akala ko ba hanggang ngayon hindi pa rin okay yung asawa mo Phoenix? Bakit niyayaya na naman kaming uminom?” agad na tanong ni Blake sa amin pagkakita nila sa amin sa garahe. Kadarating lang kasi namin at hindi pa kami nakakapasok sa bahay nina Phoenix. Saktong sakto din naman ang dating nila. “Baka balak sundan para gumaling na siya, baka nabitin lang yun,” agad kong sagot na ikinatawa din nila. Nagkibit-balikat lang din naman si Phoenix saka siya naunang pumasok sa loob. Hindi naman kasi siya makaka-hindi sa asawa niya. Sumunod na lang din naman kami sa kanya at sa pinto pa lang ay naaamoy na namin ang mabangong pagkain na niluluto ng maid nila. “Wow! Ang bango, mukang magsasaya talaga ang Cleo na yun a,” I said again saka ako tumanaw sa kusina.

