(Cleo’s POV) “Sorry baby! Sorry, hindi na ako uulit,” paulit-ulit kong sabi kay Phoenix habang hinahalik-halikan ko siya. Nananatili namang nakakunot ang noo niya kaya mas lalo akong naupo sa kandungan niya at mas lalo akong yumakap sa kanya. “Swear konting-konti lang yun and its red wine, hindi ko din alam kung bakit ako nalasing pero mababa lang talaga ang alcohol content nun. Hindi ko napigilan, gusto kong damayan si Blake saka gusto ko talagang tikman yun kagabi, sorry. Siguro naman hindi na ako magke-crave ng wine ano?” Napasimangot ako at napatitig na lang sa kanya ng mapansin kong nakatitig lang din siya sa akin. Hindi pa rin siya nagsalita kaya bumaba na lang ako sa pagkaka-kandong sa kanya. Saktong sakto din naman na bumaligtad na naman ang sikmura

