(Cleo’s POV) “Kapag nakita ko pa ang pagmumuka niyo sa hospital na ito bukas ay sisirain ko ang buhay niyo mula sa inyo hanggang sa bawat pamilya niyo, tandaan niyo yan,” muling banta ni Phoenix sa kanila saka niya ako agad na hinila palabas. Hinila ko na lang din palabas yung dalawa na agad din namang sumunod sa akin. Seryoso si Phoenix habang hila-hila ako ng marahan kaya tahimik lang din kami nina Rina, hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. “Are you really okay? Baby? Tell me,” Phoenix asks again. Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa dalawang kasama ko dahilan para lalong mangunot ang noo niya saka siya napatingin sa tinitingnan ko. “H-hi!” agad na bati ng dalawa sa kanya. Natawa ako at agad din namang napakamot ng batok si Phoenix. “M-m

