(Cleo’s POV) “Magpakasal kayo kapag okay na ko ha? Ayoko ngang um-attentd ng entourage na buntis. Gusto kong maging hot abay,” reklamo ko agad kina Arielle at Massi na tinawanan lang din naman nila. “Cleo? Pauunahin pa namin sina, Ava, Leanna at Blake bago kami,” sagot sa akin ni Massi habang kausap namin sila sa video call. Nasa america pa rin kasi sila, pero ibinalita rin agad nila sa amin na engage na sila. “Kaya naman pala tatahi-tahimik ang Massi boy natin sa asaran noon, may itinatangi naman na pala talaga,” pangaasar na naman ni kuya Leon sa kanila. “Ngayon, sino ang mahina sa atin?” agad na sagot ni Massi sa kanya. Nagtawanan na lang muli kami sa kanila. Talaga nga namang iba ang nagagawa ng pagibig, matagal na panahon din silang nagkahiwalay, gaya nam

