(Cleo’s POV) “Hellianna?” Muli akong napamulat ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Phoenix. Napatitig lang din agad ako sa kisame habang kino-kondisyon ko ang sarili ko saka ko lang napansin na hindi ganito ang kisame sa bahay. “Hellianna?” Napalingon din agad ako sa kanan ko ng tawagin ako ni Phoenix mula doon saka ko lang din napansin ang doctor na nakatayo sa tabi niya. Nakita ko rin agad ang dextros na naka-kabit sa kamay ko at sa kaliwa ko ay naroon sina Rina at Klarissa. “Anong nangyari? Bakit ako nandito?” agad kong tanong sa kanila. Hindi naman nila ako sinagot, pinalabas lang nila si Phoenix para ma-check ako at ng matapos sila ay saka lang siya muling pumasok. “Maayos ang mga anak mo doc, malalakas ang kapit nila, but I still suggest n

