(Cleo’s POV) Agad akong natawa ng pagmulat ko ng mga mata ko ay ako na ang napunta sa may wall at napagigitnaan na namin ni Phoenix ang mga anak niya, tulog pa silang pare-pareho at talagang mapapangiti ka na lang kapag nakita mo sila. Literal talagang like father like son dahil kung anong pwesto at hitsura niya ng pagtulog ay ganoong ganoon din ang mga anak niya. Natawa na lang akong muli sa kanila saka ako agad na bumangon para maligo at maghanda na lang ng agahan, alas syete narin kasi at alam kong mayamaya ay gigising na sila para mag-almusal. “Tulog pa ba sila?” agad na tanong ni mama sa akin ng makita niya akong pababa ng hagdan. “Opo ma, pati ang ama nila ay mahimbing din ang tulog katulad nila,” natatawang sagot ko sa kanya saka kami sabay na bumaba.

