(Cleo’s POV) Noong sumapit ang pagaagaw dilim at liwanag ay nagsimula ng maggawa ng bonfire si Phoenix, pinakain na lang din namin ang mga bata saka binihisan saka namin binuksan ang heater ng bahay panuluyan. Doon na lang din namin sila hinayaang maglaro at doon narin kami matutulog dahil sobrang lamig sa labas. Nauna narin akong maligo at magbihis kay Phoenix at pagkatapos ko ay sumunod siya para may bantay pa din sa mga bata. “Mom? Mang kulas said you were just like us before when you work here in the hacienda, is it true?” Uno ask me dahilan para matawa ako. Agad din namang lumapit sa akin si Dos, Tres at Lionel dahil doon. “Yeah he’s right, that is because I knew how hard it is making money to have foods on their plates. I knew how hunger killed people and

