(Ava’s POV) “Mga kaibigan ba kayo ni Senyorita Helliana?” Maya maya ay tanong ng batang kumalabit sa akin kaya napatungo ako saka ako tumingin sa kanya. Agad din akong lumuhod sa lupa at humarap sa kanya saka tumango bilang sagot sa tanong niya, agad din akong napangiti napaka-inosente ng muka niya. “Alam niyo ba? Nag-aaral na ako, doon kami nag-aaral sa paaralan na ipinatayo ni Senyorita Helliana para sa amin. Meron narin kaming high school at alam niyo magkakaroon na kami ng kolehiyo, matutupad ko na ang pangarap kong maging doctor sa hospital na ipinatayo niya para sa amin.” Nakangiti ang bata and I just couldn’t help myself but smile more while she’s happy bragging about how Cleo helps them. Napatingin din agad ako sa mga kasama ko and they smile also. Her smil

