(Ava’s POV) “Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa inyo.” Bulalas ng lalaki sa amin pagkaalis na pagkaalis pa lang nina Cleo, at napalunok na lang din ako dahil hindi naman umaalis ang mga aso ni Cleo sa harapan namin, kahit pa wala na siya dito. Hanggang ngayon din ay hindi pa ako makagalaw at ganoon din ang mga kasama ko. “Uno? Dos? Tres? Sige na dun na muna kayo sa labas.” Mabilis na umalis ang mga aso sa utos ng matanda kaya agad akong napabuga ng hangin. “Pasensya na kayo ha? ang tatlong ito ay sumusunod sa akin, pero yung ibang aso ay hindi kami sinusunod, buti na lang talaga napigilan namin ang batang iyon, naku po kung nagkataon ay baka mabusog sa inyo ang mga aso namin.” Napakamot pa ng ulo ang matanda ng sabihin iyon, hindi niya pinagagaan ang loob na

