Chapter 6

3719 Words
(Massi’s POV)       Fvck! What the hell is this? This is s**t. Parang gusto ko na lang yatang magmura ng paulit-ulit sa ngayon. Gusto ko na lang din yatang umupo dito at manahimik, kaya pala kakaiba siya at kaya pala parang hindi naman talaga siya 17 years old.   “This should remain to us only, hindi niya dapat malaman na alam niyo na, lalo na si Phoenix.”   Tumango lang kami sa sinabi ni Ava sa amin, wala naman kaming magagawa. Hindi naman talaga namin pwedeng basta basta sabihin na alam na namin ang lahat.   “Cleo is crying, does that mean she’s hurt?”   Hunter ask all of a sudden na agad naming ikinalingon sa kanya habang tahimik kami. Emotions was visible to him, talagang nagkagusto siya kay Cleo una pa lang niyang makita ang babaeng yun. Pero tama siya, siguradong si Phoenix ang dahilan ng mga luha niya, narinig namin ang sasakyan ni Phoenix, kaya nga kami bumaba ay dahil sa kanya at sakto naman na naabutan namin si Cleo sa pinto.   “Maybe?”   Ava answered to him. Matapos noon ay natahimik na lang muli kami, kaya ba talaga naming mag-panggap na walang nangyari? Tsk. Ang awkward naman nun.   “Nagpapanggap kaya si Phoenix na wala na siyang pakielam o meron pa naman talaga?”   Maya maya ay tanong ni Killian na nagpakunot din sa noo ko, oo nga. I mean if you were in love with someone and you can't get over it, kahit magbago siya ng muka o pangalan you’ll still know her right? Makikilala at makikilala parin siya ng puso mo. Saka sigurado naman kami na makikilala niya talaga agad si Cleo bukod sa ex niya nga ito ay malapit talaga ang pamilya nito sa pamilya nila. And we knew he didn’t moved on, alam namin na si Cleo parin ang mahal niya, we knew how he got wasted and we knew how he tried to move on.   “Hindi ko din alam, pero dalawang bagay lang yan pwedeng oo pero tinatago niya lang at pwedeng hindi na talaga.”   Sagot ni Ava, pero I doubt na wala na talaga, we knew him and we knew that at some point of Phoenix’s life she came and cause so much pain to him and the other details remain unknown.                 (Cleo’s POV)       I knew to myself that this was the scariest part of my life again, I knew that this day will come and I’ll woke up feeling hurt again pero hindi ko yun napaghandaan, hindi ko alam na ganoon kabilis ang lahat. Does that mean he still have that effect to me?   I survive feeling empty, pero yung sakit na nabubuo muli sa puso ko hindi ko yun kaya. Hindi ko na alam ang gagawin sa ganoong pakiramdam, dahil noon ay halos mabaliw na ako para lang hindi maramdaman ang sakit, tapos babalik na naman ito?   Bakit ba kasi hinayaan kong mapalapit na naman sa kanila at magkaroon ng koneksyon sa kanila? Bakit ba kasi hinayaan kong mapalapit na naman ako sa mommy niya? Kung hindi ko tinanggap ang tulong niya noon ay baka hindi na kami nagkita-kita hanggang ngayon pero wala na, nandito na to.   “We need to go, Cleo?”   Ava said sa pinto habang marahan siyang kumakatok doon, nakasandal kasi ako sa pinto kaya naririnig ko siya at ayoko iyong buksan, ayokong lumabas kasi baka masaktan na naman ako, pero hindi din pwedeng dito na lang ako, hindi pwedeng magmukmok ako.   “Let’s go?”   Nakangiti siya ng sabihin iyon sa akin? Can someone teach me how to be like them? Pain is unbearable s**t, I can't take it and I can't hide it.   “Don’t hide it, who cares right?”   She said to me saka niya ako hinila at nauna na siyang humakbang palabas kaya sumunod na lang ako sa kanya, dumiretso lang din kami sa kusina at nakita ko agad na nakapag-luto na sila pero kami pa lang naman ang nandito sa kusina.   “Sinalo kita ngayon ha? mamayang gabi ikaw naman, okay?”   Tiningnan ko lang siya saka ako tumango and she just smile.   “oh? Andito na pala si Cleo eh, kaya pala kumakatok kami sa kwarto mo walang sumasagot.”   Hunter said to me kaya napalingon kami sa kanila, kung umasta sila parang hindi nila nakita na umiyak ako kahapon. Then maybe Ava is right? Who cares right? Naupo na lang kaming lahat na parang walang nangyari at maya maya lang naman ay pumasok na si Phoenix kaya tumayo muli ako at nagtimpla ng kape para sa aming lahat.   “Ibang design naman sa akin Cleo ah.”   Hunter said to me saka siya lumapit sa akin at sumilip sa ginagawa ko. Mayamaya lang din naman ay lumapit narin si Massi at Killian.   “I want a maple leaf, Cleo! Can you do that for me?”   Killian request, kaya tumango lang ako sa kanya.   “Sa akin ay bear na lang, kaya mo din ba yun?”   Hunter said also saka siya ngumiti.   “I want a coffee with coffee design, para maiba naman.”   Massi said to me saka sila nagtawanan.   “I want a tulip flower design.”   Ava said saka sumingit sa kanila kaya ginawa ko na lang ang mga sinasabi nila, then I made my own coffee.   “Ang ganda naman ng design nung sayo.”   Hindi ko na lang sila pinansin at naggawa na lang ako ng black coffee ni Phoenix saka iyon inilagay sa tabi niya bago ako muling naupo at ganon din naman sila.   “Ilapit mo dito ang kape mo Cleo, I want to capture that also.”   Massi request again kaya inilapit ko na lang ang kape ko sa kanila saka sila hinayaang mag-picture.   “Ang ganda talaga.”   Ava said habang nakatitig siya sa mga kape namin, kinuha ko na lang yung sa akin saka ako uminom ng kape at nagsimulang kumain, kaylangan ko narin kasing pumasok ngayon dahil baka mamaya ay wala na akong sahurin.   “Uy Cleo alam mo na ba?”   Napalingon ako kay Hunter ng mayamaya ay kausapin niya muli ako, tiningnan ko lang naman siya ng nakakunot ang noo at natawa lang siya.   “Next week na daw ang start ng klase mo? does that also mean na babalik ka na sa dati mong trabaho? Aalis ka na ba talaga agad? Halos dalawang linggo ka lang dito.”   He said na halatang ikinagulat din naman nung iba.   “Talaga? Yayayain pa naman sana kita sa resort namin.”   Mayamaya ay sabi din ni Massi.   “Isasama din sana kita sa opening ng isa naming restaurant.”   Agad ding dagdag ni Killian.   “Ano ba naman yun? Ang bilis naman, maghahanap pa nga tayo ng boyfriend dahil hindi tayo natuloy nung nakaraan.”   Mayamaya ay sabi ni Ava na ikinatawa ko lang at sinaway naman agad siya nung tatlo.   “Mas pabor naman sa akin yon di ba?”   Hindi sumagot ang mga yun sa sinabi ko kaya nilingon ko na lang din sila to find them looking at me.   “What?” Takang tanong ko sa kanila habang nakatitig lang sila sa akin. Weird.   “Huy? Cleo wag kang tatawa, nakaka-kilig kaya.”   Hunter said to me na ikinakunot agad ng noo ko.   “Huy? gago ka talaga Hunter! Nakakahiya ka.”   Killian yelled to him na lalong ikinakunot ng noo ko.   “Bilin ni Tita huwag mong papansin ang mga tulad ni Hunter hindi ba Cleo? Maghahanap tayo ng ibang boyfriend huwag mo siyang pansinin.”   Agad din namang sabi ni Ava saka sila nagtawanan.   “What? Nakakakilig naman talaga ang pagngiti niya ah, bihira lang naman siyang ngumiti. Saka bagay sayo yan Cleo, mas okay yan.”   Muling sabi lang ni Hunter kaya napapailing na lang akong tumuloy sa pagkain saka ako mahinang natawa para talaga silang mga baliw.               (Ava’s POV)         “Anong ginagawa mo Hunter? gago ka ba?”   Hiyaw ko kay Hunter ng kami na lang ang magkakasama habang nasa hideout kami, dito kami dumiretso matapos naming umalis sa bahay at hindi na namin sinabi kay Phoenix na dito kami pupunta dahil may paguusapan kami.   “Gusto ko si Cleo alam niyo naman yun hindi ba? Saka totoo naman na nakaka-kilig siya, kakaibang expression yun, talagang lalo siyang gumanda.”   Ngumiti pa si Hunter ng sabihin iyon at parang lalo naman akong hindi makapaniwala dahil doon.   “Pero kung hindi niya ako magugustuhan dahil may mahal siyang iba, okay lang yun, hindi naman palaging mutual ang feelings hindi ba? Sa ngayon ay gagawa na lang ako ng paraan para mapunta siya don sa lalaking mahal niya at sa lalaking deserve niya, yun na lang ang gagawin ko para mapasaya siya. Ganon naman talaga minsan di ba?”   Hunter said to us na bigla din naming ikinatahimik lalo.   “Paano kung mapahamak ka? You knew Phoenix.”   Sabad ko sa habang tahimik ang dalawa naming kasama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganyan siya. Mapapatay siya ni Phoenix, kilala ko ang mga tingin niya kanina alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hunter.   “Huwag niyo na lang siyang hayaan na patayin ako, para sa kanila tong dalawa. Alam ko at nararamdaman ko na galit lang sila sa isat isa pero nagmamahalan parin sila, trust me, tulungan na lang natin sila.”   Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni Hunter, alam ko din iyon, nararamdaman ko din yun pero delikado pa rin to.   “That was a torture for you man, masyado ka kasing good boy.”   Mayamaya ay sabi ni Killian kaya siya naman ang tiningnan ko ng masama, palibhasa kasi ay babaero siya. Hindi ko na lang sila pinansin matapos non, napatingin lang din naman ako kay Massi at Hunter ng magkatinginan sila at magngisian pero hindi ko narin iyon pinansin pa. Bahala na nga.   “Magtulungan na lang tayo para matapos na ito, yun ang pinakamagandang gawin.”   Massi said to us. Tama, magtutulungan na lang siguro kami ganon naman ang magkakaibigan hindi ba? Wala rin naman kaming magagawa, saka isa pa ay mission ko din ito.                 (Cleo’s POV)       It’s already lunch pero sobrang dami ko pang gagawing trabaho, bakit ba ang dami laging trabaho ng lalaking to? Ultimo si John ay hindi na magkandaugaga sa dami ng ginagawa. Dahil ba to sa hindi namin pagpasok kahapon o talagang ganito lang lagi kadami ang trabaho niya?   Buti na nga lang at natapos ko ng ayusin ang schedule niya for two weeks. Ibang bagay naman ang inaalala ko sa ngayon partikular na itong mga papeles na ako ang tumatrabaho. Buti na lang rin at babalik na ako sa resto next next week, kung hindi ay baka mabaliw na ako sa sobrang dami ng trabaho.   Napakunot na lang ang noo ko ng mayamaya ay may naglapag ng pagkain sa table ko, agad din akong napatunghay para makita kung sino iyon at nakita ko din naman agad si Phoenix. Nakatingin lang siya sa akin kaya hindi din ako nagsalita.   “Eat that, mas marami pa tayong gagawin mamaya.”   Umalis na agad siya pagkasabi niya noon at pagkabigay niya sa akin ng pagkain. Kinuha ko na lang din iyon saka ako nagsimulang kumain. Kaylangan ko din kasing bumalik agad sa trabaho dahil kapag may naiwan pa sa mga ito ay malamang na lalong tambak ito bukas.   Saka isa pa ay super busy din sa loob ng office ni Phoenix, ang daming ginagawa sa office niya at sumabay pa iyon sa mga nakatambak na trabaho, parang may designer pa nga kanina at maraming gamit na ipinasok. Baka inaayos ang office niya ngayon, kaya lang ay bakit ngayon pa? Weird.   “Uy? Buti may pagkain ka na.”   Bati ni John sa akin kaya napatingin din ako sa kanya, magkatabi lang kami ngayon ng table sa labas ng office ni Phoenix. Tinanguan ko na lang siya saka ako bumalik sa pagkain pero napatigil ako ng may maalala muli ako.   “Ano nga palang meron sa loob?”   Tanong ko na mayamaya ay ikinatawa ni John na siya namang ikinakunot ng noo ko.   “Hindi mo ba alam? Pinagagawan ka ni Boss ng office sa loob ang swerte mo ah, kasi kahit ako ayaw nya dyan sa loob ikaw lang ang pinayagan niya dyan, at alam mo ba na pinatanggal ni boss ang favorite corner niya sa loob at doon inilagay ang office mo, samantalang noon bawal na bawal galawin ang corner na yun.”   Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Weird. Bakit niya naman gagawin yun? Sabagay Personal Assistant niya ako siguro mas gusto niyang malapit ako para mas madali siyang makapagutos, ayos din yun eh.   “Ikaw na lang kaya ang maging P.A niya? For sure kaya pinagawan niya ako ng office sa loob kasi aalilain niya ko, ang sama talaga ng amo mong yan.”   Tinawanan lang naman ako ni John ng sabihin ko iyon, akala niya ba nagbibiro lang ako?   “Para namang pwede yun, kumain ka na nga lang.”   Hindi na lang ako nagsalita at sinunod ang sinabi ni John, marami pa nga pala akong trabaho. Mabilis ko na lang na tinapos ang pagkain ko at after lunch ay tinapos ko na rin agad ang lahat ng pending na trabaho ko.   “Cleo? Hindi ka pa ba uuwi?”   Napatunghay ako, saka kunot noong tumingin kay John saka sa wristwatch ko.   “Dumiretso na si Boss sa bahay nila after ng afternoon meeting namin, ikaw bakit nandito ka pa?”   Hindi ko na namalayan ang oras, sobrang na-busy ako sa pagtapos ng mga papeles na ito.   ”Pauwi narin ako, last na to.”   Sagot ko lang sa kanya.   “mauuna na ako sayo, may iniwan lang din kasi akong mga papeles dito.”   Tumango na lang ako saka ko siya hinayaang umalis at tinapos ko narin agad ang mga natitirang papel na iso-sort ko saka ako tumayo at nagligpit. Umasa ako na dito siya didiretso at sabay kaming uuwi, yun pala ay didiretso na siya sa bahay niya. Teka nga bakit ba ako umaasa sa kanya? Tsk.   Binilisan ko na lang tapusin ang mga ginagawa ko saka ako lumabas ng office, medyo madilim na sa ibang parte ng mga office na nadadaanan ko pero ang iba naman ay may ilaw pa lalo na ang hallway.   Hindi siguro alam ni John na sa bahay din ako ni Phoenix nakatira, kung alam niya yun ano kayang magiging reaksyon niya? Binati pa ako ng guard na nasa may entrance pagbaba ko ng groundfloor kaya tinanguan ko na lang din siya.   “Kuya? May mga taxi pa bang dumadaan dito ng ganitong oras?”   Tanong ko sa guard kasi pakiramdam ko wala na akong masasakyan, napakalayo pa kasi ng main road dito.   “Nako mam wala na po, kaylangan niyo pang pumunta sa kanto para lang makasakay, kung gusto niyo po itatawag ko na lang kayo ng taxi.”   The guard said but I refuse, nakakahiya naman sa kanya.   “Okay na kuya, wag na kaya ko naman.”   I said saka ako nagmamadaling maglakad paalis para hindi na siya maabala. Bwisit talaga yang Phoenix na yan, isumbong ko kaya yan kay Tita? Buti na lang at naka-black trouser pants ako ngayon at white smoked shirt, dahil siguradong mabagal akong maglakad kung naka palda ako.   Buti na lang din may mga ilaw dito, may ilan din namang naglalakad kaya hindi na ako nangamba pa. Busy akong naglalakad sa kahabaan ng kalsada palabas ng kanto, para sana makasakay na ng magulat ako dahil may bumusina bigla sa tabi ko. s**t.   “What the hell?”   Hiyaw ko sa naka-motor na yun saka ko siya agad na tiningnan ng masama. Tumigil lang naman siya sa tabi ko saka siya nagtanggal ng helmet na lalo kong ikinagulat.   “Uy Hunter, bakit ka ba nanggugulat?”   Biglang tumawa si Hunter marahil ay dahil sa sinabi ko saka siya ngumiti sa akin, ang creepy niya sa part na yun, sira ulo din yata ang isang to eh.   “Sorry Cleo, kanina pa kasi kitang hinihintay na lumabas eh kaso ang tagal mo, nakatulog na nga ako dito sa motor ko eh, kung hindi pa ako sinabihan nung guard na naka-alis ka na hindi ako magigising.”   Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, bakit naman niya ako hihintayin?   “Pinapunta ka ba ng kaibigan mong magaling?”   Tanong ko na tinawanan niya lang.   “Hindi ah, nasaan ba si Phoenix? Bakit ka naglalakad? Ipagpapa-alam nga sana kita sa kanya eh.”   Weird. Hindi siya pinapunta dito ng mokong na yun? So bakit siya nandito? Saka ipagpa-paalam niya ako kay Phoenix? Saan kami pupunta?   “Saan ba tayo pupunta?”   Tanong ko sa kanya na nagtataka pa rin pero ngumiti lang siya. Importante ba ang pupuntahan namin para hintayin niya pa ako?   “Kahit saan mo gusto basta sumama ka lang.”   Kinuha ko na lang kaagad ang helmet na nasa unahan niya at isinuot iyon bago ako sumakay sa motor niya, buti na lang at flat shoes pa rin ang suot kong pampaa.   “Dalahin mo ako sa lugar na hindi ako maiinis, okay?”   Agad kong sabi sa kanya matapos kong makasakay.   “Yes boss.”   Natatawa niyang sagot sa akin saka niya pinaandar ang motor niya.               (Ava’s POV)           “Where the hell is she?”   Hiyaw ni Phoenix sa driver na susundo dapat kay Cleo ng bumalik itong walang kasama, agad namang tumungo ang driver na kitang-kita din ang kaba sa mga oras na ito.   “Ang sabi ng guard sir umalis na si Mam Cleo bago pa po ako dumating, ang sabi din po niya may naka-motor na lalaki na naghihintay kay Mam Cleo sa labas ng building at sinundan siya nung naka-motor. Hindi ko na po sila naabutan.”   Lalong tumalim ang mga mata ni Phoenix sa sagot niya. Tita was mad too kitang kita ko iyon, or just so I thought she is, for all I know pakana na naman niya ito.   “Hanapin niyo si Cleo, kung ayaw niyong managot sa akin!”   Hiyaw ni tita sa amin, pati tuloy kami ay nadadamay sa kalokohan na to. Bakit ba naman kasi iniwan nitong damuho kong pinsan si Cleo? alam naman niyang walang sasakyan yun.   “I’ll review the CCTV.”   I said but Killian just stop me.   “I already did pero burado na ang ilang kuha ng CCTV sa labas ng building hanggang sa sakayan.”   Napabuntunghininga na lang ako dahil doon, think Ava.   “Let’s just search.”   I said saka naunang lumabas sa dalawa. Bahala na nga sila, nasaan kaya si Hunter? Bakit kaya wala padin ang mokong na yun?               (Cleo’s POV)       “Oh? Akala ko ba hindi ka na maiinis?” Tanong ni Hunter sa akin pagupo niyang muli sa tabi ko habang nakatanaw ako sa view ng city mula sa mountain side restaurant na pinagdalahan niya sa akin.   “Sinong hindi maiinis sa gago mong kaibigan?”   Natawa lang si Hunter sa sinabi ko na parang nage-gets naman niya kung sinong kaibigan ang tinutukoy ko.   “Cleo? Bakit kayo naghiwalay?”   This time napatingin ako kay Hunter at agad na napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Sinabi ba ni Phoenix sa kanila ang tungkol sa amin?   “Alam ko na.”   Shit! s**t! s**t! Mukang sinabi na nga niya.   “Actually alam namin na naghiwalay sila ng ex niya noon kaya siya nagpunta sa America pero hindi namin alam kung sino, at ngayon lang namin nalaman na ikaw pala yun.”   Dugtong pa niya.   “Ilan ba talaga kayong nakakaalam ng lahat?”   Tanong ko sa kanya na ikina-seryoso niya din.   “Hindi alam ni Phoenix na alam na namin nina Killian, Ava, at Massi na ikaw ang babaeng yun.”   Sagot niya kaya umiwas na lang ako ng tingin. At wag niyo ng ipaalam sa kanya na alam niyo na dahil para sa akin naman ay tapos na ang lahat.   “Pero bakit? Gusto ko pa ring malaman, alam namin noon pa na merong ikaw sa buhay niya pero hindi namin alam kung anong nangyari sa inyo, anong dahilan mo at anong dahilan niya kung bakit kayo naghiwalay.”   I just chuckled sarcastically then look at him again.   “You knew it, kung alam mo na ang tungkol sa akin alam mo narin kung sino ako and you knew why.”   Napatitig siya sa akin ng sabihin ko iyon, naguguluhan siya, bakas na bakas sa muka niya iyon.   “Pero Cleo katulad ka lang naman niya hindi ba? Ganoon din naman ang pamilya mo, anong mali doon? Yun ba talaga ang dahilan?”   Mapait akong napangisi sa kanya.   “Walang makakaalam ng totoong dahilan at hindi niyo na malalaman iyon, basta kinamumuhian ko siya.”   Matatalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya pero hindi naman siya natinag doon.   “Kung kinamumuhian mo siya bakit okay sa iyo ang ganitong set up? Bakit hinahayaan mong mapalapit ka na naman sa kanya? Kay Tita? Bakit ka umiiyak? Bakit ka nasasaktan?”   Pareho lang kaming nakatingin sa isat isa ng sabihin niya iyon kaya nginisian ko na ulit siya.   “That’s for me to know and for you to find out”   Pagkatapos non ay hindi na siya nagtanong sa akin, pero mayamaya lamang ay ngumiti na naman siya.   “Do you drink?”   Alok niya sa akin na ikinangisi ko.   “Akala ko katulad ka lang din ng iba na sasabihin sa akin na wag kag uminom, bawal yan sayo tsk!”   Natawa naman siya sa sinabi kong iyon.   “I knew your age remember? and besides konti lang naman ang iinumin natin.”   Ngumiti siya saka lumakad sa likod ng kotse niya at binuksan iyon, may kinuha lang siya doon saka siya bumalik sa akin. Kung alam niya na allergy ako sa alak ay malamang na hindi niya ako bibigyan ng inumin.   “Okay, lets drink and forget the world.”   Mahina akong natawa sa sinabi niya saka ako kumuha ng beer na dala niya saka kami sabay na uminom. This is refreshing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD