Chapter 5

3501 Words
(Hunter’s POV)       Napakunot agad ang noo ko ng pagpasok ko sa kusina ay si Ava ang naabutan ko doon at hindi si Cleo, nagluluto na siya ng breakfast kaya lalo akong nagtaka. Nasaan kaya si Cleo?   “Si Cleo?”   Tanong ko agad sa kanya kaya napalingon siya sa akin sandali.   “Baka tulog pa, baka talagang napagod siya sa trabaho.”   Napatango na lang ako sa kanya ng sabihin niya iyon. This is new, I mean she cooks yes pero once in a blue moon lang yata yun, nung wala si Cleo ay si Killian ang madalas na nagluluto para sa amin at isang himala na siya ang nagluluto sa ngayon.   “Tanghali na siya, Ava.”   Napalingon kami ni Ava sa nagsalita habang papasok ng kusina, its Massi and Killian, sino kayang tinutukoy nila?   “Kinatok namin si Cleo sa kwarto niya, pero mukang tulog pa siya, tatanghaliin siya sa school orientation niya.”   Nag-aalalang sabi ni Massi, kitang kita iyun sa tono niya ng sabihin niya iyon. Kanina pa pala sila gising?   “Gisingin niyo, baka malagot tayo pare-pareho kay Tita, tsk!”   Hiyaw ni Ava sa dalawa na kaagad naman kumaripas ng takbo para sumunod, sakto namang pasok din ni Phoenix dito sa kusina.   “What the hell is happening?”   Tanong ni Phoenix na walang pagbabago ang expression ng muka, nilingon lang din naman siya ni Ava at nag-ayos na agad ako ng pagkakainan namin.   “Ihatid mo si Cleo sabi ni Tita, at kapag hindi ka daw niya nakita doon ay mananagot ka sa kanya. Hindi ako pwede may importante akong gagawin.”   Nakangising sabi ni Ava na lalong nagpadilim ng muka ni Phoenix. Ang aga aga badtrip na naman siya. Gusto ko sanang matawa dahil doon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko pang mamatay. And yeah, this 25-year-old ruthless and intimidating bachelor was afraid of his mom.   Sino ba naman kasing hindi matatakot kay Tita? Kahit nga si Tito ay takot sa kanya. Kapag nagkataon nga ay mas pipiliin ko pang sundin si Tita kaysa kay Phoenix dahil nakakatakot talaga siya.   “Cleo kasi mapapatay kami ni Tita kapag hindi ka namin ginising, makisama ka naman, sayang ang kagwapuhan kong taglay kung sa lamay lang mapapakinabangan.”   Dinig naming sabi ni Killian, habang tinutulungan ko paring mag-hain si Ava. Si Phoenix naman ay naupo na lang.   “Oo na bitawan niyo na nga ako, bakit ba hawak hawak niyo pa ako?”   Dinig naming hiyaw ni Cleo sa kanila saka sila pumasok dito sa kusina, halatang halata na bagong gising pa si Cleo, naka-malaking T-shirt pa siya at shorts at nakalugay lang ang shoulder-length curly hair niya na may kulay pang gray.   Napatingin na naman ako sa piercing niya na lalong nagpapadagdag ng appeal niya, napangisi na lang ako dahil nakita ko na naman iyon, bagay na bagay kasi iyon sa kanya.   “Cleo? Eat up, malalagot kami kay Tita.”   Paalala ni Ava sa kanya saka siya tinulungan ni Ava.   “Phoenix? Pass this to her.”   Utos ni Ava kay Phoenix saka nito ipinasa ang fried rice kay Phoenix, ginawa naman agad ni Phoenix ang sinabi ni Ava. Pumwesto na lang din kami at nagsimula ng kumain.   Akmang susubo na sana ako ng pagkain ng mapatigil ako dahil may tumunog na phone at nakita namin na phone iyon ni Cleo na nakapatong sa mesa kaya nagkatinginan lang din kami, naibaba niya naman kaagad ang kutsarang hawak niya and she hurriedly get her phone.   “Hello? Yes speaking, ah yes sir after lunch, yes sir, okay.”   Pinatay niya na agad ang tawag saka iyon ibinaba sa mesa pero tumunog na naman ito. Akmang sasagutin na niya muli ang tawag ng hablutin ito ni Phoenix kaya napalingon kaming lahat sa kanya, nasa kanan niya kasi si Cleo.   “Call Lester, My secretary, we have an appointment at this moment.”   Phoenix said saka niya inilapag sa tabi niya ang cellphone, napakunot lang naman ang noo ni Cleo dahil doon pero wala namang pakielam si Phoenix. Mayamaya din naman ay dumukot siya sa bulsa niya saka kinuha ang cellphone niya.   “That's my extra phone use that, leave this phone with me this is for office only.”   Nagkatinginan kami nila Killian ng sabihin niya iyon, extra phone? Heck with the extra phone, that was his personal phone, that freaking million dollar cost phone.   “Kumain ka na.”   Paalala ni Ava kaya hindi na nagsalita si Cleo at nagsimula ng kumain. Matapos kumain ay kumilos narin kami para pumasok sa sari-sarili naming trabaho at nauna narin naman si Cleo sa amin na kumilos.   “Wait, Phoenix? Serve as her guardian for the orientation, ka-bilin bilinan iyon ni Tita.”   Ava said nung sabay sabay kaming lumabas ng bahay, agad kaming napalingon sa kanya.   “What?”   Sabay na sabi nung dalawa na parehong kumunot ang noo.   “Yeah tita said it, it was needed since it's an orientation for the graduating students, and it's mandatory, Cleo? tita cant be your guardian for now right?”   Ava said saka siya umalis at naiwan naman ang dalawa doon dahil dali-dali narin kaming sumakay sa mga sasakyan namin saka kami umalis, mahirap na baka kami naman ang mapagpanggap na guardian pft.               (Cleo’s POV)     Sumakay na lang agad ako sa kotse niya ng makaalis na sila Ava, saka ako nagstart mag-dial ng mag-dial sa pinahiram niyang phone sa akin, nagsimula narin naman siyang mag-drive palabas ng bahay. This is bullshit. Ayoko nga siyang kasama, bakit ba naman kasi hindi agad sinabi ng Dean na yun na kaylangan ko ng ibang guardian ngayon edi sana nagawan ko na ng paraan agad.   Napakunot ang noo ko habang tuloy tuloy ako sa pagda-dial dahil kahit na sinong tawagan ko para sana pakiusapan na magsilbi kong guardian for now ay hindi pwede, halos lahat sila ay nasa trabaho na. This is fvck, never namang nangyari ito sa akin dati dahil nga nandyan ang Dean na nagsisilbi kong guardian. Ngayon lang at sa ka-malas malasan ko pa ay si Phoenix pa ang kasama ko.   “Stop it, I’ll go, mom will kill me if I don’t.”   Phoenix said kaya napalingon ako sa kanya. Itinigil ko na lang pagtawag sa mga kakilala ko saka ako umiwas ng tingin. Ayoko talaga siyang kasama, pero sinasadya yata talaga ng magaling niyang ina na pagsamahin kami. This is fvck.   Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa school na pabor naman sa akin dahil ayoko din naman siyang kausap. Pagbaba namin ng kotse niya ay napatingin agad ako sa kanya na ikinatingin din niya sa akin, ang gulo kasi ng makapal niyang buhok at pormadong pormado siya.   “What?”   Tanong niya sa akin na halatang nagtataka na din, nakakunot din ang noo niya na tila iniisip kung bakit ako nakatingin sa kanya. Hindi ko na napigilan ang matawa saka ako napatingin sa suot ko.   “Muka ka kasing tatay ko pft.”   Lalo akong natawa sa sinabi ko na ikinalukot naman lalo ng muka niya.   “What? I’m 17 and your 25 then you look 30.”   Nakita kong nagtagis ang mga bagang niya ng sabihin ko iyon at pinigilan ko na lang ang lalong matawa. Sakto naman na may nagsalita sa likuran namin kaya napalingon ako doon.   “Hey? You two, you’re going to be late for the orientation.”   We saw her mom na naglalakad palapit sa amin habang sinasabi niya iyon. Napakunot din ang noo niya saka nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa, marahil nagtataka siya na masamang masama ang timpla ng muka ng anak niya samantalang pinipigilan ko namang matawa.   Hinila ko na ang mama niya saka namin siya iniwan para hindi na humaba pa ang usapan, bahala siya dyan. Hindi din naman tumutol si Tita at nagpahila lang din naman siya sa akin papunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang meeting.   “Miss President, Madam!”   Bati na naman sa amin ng mga estudyante saka sila bahagyang yumuyukod, kahit hindi ko kasi kilalang lahat ay binabati nila ako, perks siguro talaga ito ng pagiging SSC President.   “Cleo? Here!”   Dinig kong hiyaw ni Divine ang kaklase ko at ang SSC Secretary, nakita ko rin na katabi niya ang ibang mga SSC Officers.   “Cleo? My son can be easily bored to this kind of meeting, take him with you, okay?”   Tinanguan ko lang si Tita Wynona ng sabihin niya iyon kaya dumiretso na siya sa pwesto niya. No choice naman ako eh, and besides students must sit beside their guardians.   “Here.”   I said to Phoenix ng lingunin ko siya sa likod namin ni tita, napakunot din agad ang noo ko ng makitang tinanggal niya ang necktie niya at ang coat niya at ganon parin naman ang buhok niya. Ang kaninang naka-tack in na polo ay naka-tuck out na at ang ilang butones sa may dibdib niya ay naka-unbutton na and theres this sunglasses of him again. Weird.   Tumalikod na lang ulit ako at naupo sa upuan na ibinigay sa akin nila Divine, bigla rin silang natahimik ng makita ang katabi ko. Well, sino ba namang hindi matatahimik? Delacroix ang isang to, they are known anywhere.   Nilingon ko si Divine ng mahina niya akong sikuhin habang nasa tabi ko siya, ang mga mata niya ay parang nagtatanong ng ‘who the hell is he?’ at hindi ko na lang siya sinagot.   Nag-focus na lang ako sa orientation, malalaman din naman ng mga to kung sino siya, so I wont bother telling them now. Habang busy ako sa pakikinig ay napalingon ako sa kanan ko ng maramdaman kong may humilig sa balikat ko, pakiramdam ko ay nanigas din ako dahil doon. What the hell?   “H-hey? don’t sleep.”   Bulong ko sa katabi ko na mukang hindi naman pinansin ang sinabi ko. Fvck. Tiningnan ko ang nanay niya na nasa stage at nakangisi sa aming dalawa, what the hell? Pinanlakihan ko siya ng mata para malaman niyang naiinis ako pero wala siyang ginawa. s**t.   “A-ahm President? You say no PDA in the Public Places inside the school.”   Nilingon ko si Divine saka ko siya pinanlakihan ng mata.   “What the hell Divine?”   Bulong ko pero dinidiinan ko lahat ng sinabi ko para maramdaman niyang naiinis ako. What the fvck! Nababaliw na talaga ang Phoenix na to.   “Phoenix? Get up or I’ll punch you.”   Bulong kong muli sa lalaking nakasandal sa akin na biglang napabangon at napatingin sa akin, tiningnan ko lang naman siya ng masama dahil doon pero hindi niya iyon pinansin, hindi na siya humilig sa akin pero nararamdaman kong pabiling-biling ang ulo niya, indikasyon na natutulog parin talaga siya.   A man like him sleeping in a meeting like this? What the hell? Sanay na dapat siya hindi ba? Kung tutuusin ay kami dapat ang makatulog sa mga ganitong meeting. Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin, hanggang sa matapos ang meeting at makatayo kami ay nakaupo parin siya at tulog tsk.   “Halika nga muna.”   Divine said to me saka niya ako hinila palayo kay Phoenix, na natutulog parin, sinundan din naman kami agad nung iba naming kasama at ang iba ay inayos na ang mga dapat ayusin.   “Sino ba yang lalaki na yan?”   Napalingon ako kay Phoenix na tiningnan din ng mga kasama ko saka ko binalingan muli si Divine.   “May sarili kayong business dapat kilala mo siya.”   Kumunot lang naman lalo ang noo niya sa sinabi ko.   “Totoo ba na anak siya ni Mrs Delacroix? siya ba yung lalaking pinag-uusapan sa f*******: group ng school? Yung lalaking pinagta-trabahuhan mo ngayon? Asawa mo ba talaga siya? Kaya ka ba talaga paborito ni Dean dahil anak niya yan? Cleo kalat na kalat na ang balitang iyon, marami na ang namba-bash sayo, don’t tell me hindi mo alam yun? Your clean image was over now, oh my gad.”   Sunod sunod na sabi ni Divine na ikinakunot ng noo ko, I haven't heard any of those. Saka san niya naman nalaman ang mga yan? Yung pagtatrabaho ko kay Phoenix? Yung balita na asawa ko siya? Weird.   “Divine, naniniwala ka ba sa mga ganoon?”   Storm asks habang napapailing pa siya, he’s our SSC Vice President.   “We knew her, saka pano mo nalaman na sa kanya nagtatrabaho si Cleo ngayon?”   Dagdag pa niya at sumang-ayon naman ang ibang kasamahan namin kay Storm, bumakas narin ang pagtataka kay Storm sa mga sinabi niya dahil alam naman niya na wala akong pinagsasabihan nito maliban sa kanya.   “Ayokong maniwala okay? don’t get me wrong, pero umalis ka na ng trabaho mo at ngayon kasama mo siya isn’t that  a solid evidence? Pino-protektahan lang naman kita.”   Nginisian ko lang si Divine ng sabihin niya iyon at napaiwas lang naman siya ng tingin sa amin, unti-unti na talagang lumalabas ang tunay niyang kulay.   “I haven’t seen or heard any of those gossips about me, and yes that man is Mrs. Delacroix’s son, he’s here because he’s my guardian alam niyo naman na ang mga Delacroix ang guardian ko dito sa school hindi ba? and nope he’s not my husband. Saan mo ba nakuha ang balita na yun? And yes, I am currently working with him in his company dahil wala siyang P.A sa ngayon. Saka, bakit naging issue ngayon ang pagiging paborito ko? and oh my name? I don’t give a damn about that Divine”   Natahimik si Divine ng sabihin ko ang mga yun, ang kanina niya pang pinagsisigawan na usap-usapan ukol sa akin ay alam naman niyang hindi totoo, matagal na talaga akoang gustong sirain ni Divine, everyone in the SSC officers knew it kaya walang naniniwala sa kaniya at nagpapanggap lang silang hindi nakakahalata sa kanya.   Kung hindi lang siya ang naging Secretary for sure ay hindi nila kasama ang babae, sa line up kasi nila noong election si Divine lang ang hindi kasali doon. Sa iba siya kasama pero siya ang nanalo kaya siya ang secretary ngayon, kung tutuusin ay dapat na ako lang ang nagiisang babae sa SSC Officers kaya nga lang ay nanalo si Divine. Hindi rin namin ito kaklase nung una pero napunta ito sa section namin nung mag-second year na sila.   “Ikaw talaga Divine masyado kang naniniwala sa mga chismis, palagi ka na lang ganyan, naniniwala ka ba talaga sa mga ganon? Hindi ka dapat naniniwala don dahil matagal mo naring kasama si Cleo. Saka, ano bang chismis yung sinasabi mo? Bakit wala naman kaming nakikita sa group? Di ba ay bawal naman yung mga ganon sa group?”   Jacob ask our Auditor, nakita ko naman na namutla agad si Divine dahil doon.   “N-nakita ko yun sa tinurn down kong un-official group ng school.”   Mayamaya ay sagot niya saka siya napa-ismid. Napailing na lang din ako, kaya hindi rin malapit ang SSC sa kanya ay dahil ganyan ang ugali niya.   “Cleo?”   Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita kong si Phoenix iyon, gising na pala siya.   “Mom was waiting for us, she’s calling us now, lets go?”   Tinanguan ko lang si Phoenix saka ko binalingan ang mga kasama ko, particularly Divine.   “Oh? Baka kung ano na naman ang nasa utak mo ha? Tsk! Guys una na ko may trabaho pa ako, alam niyo na.” Nginitian lang ako ng mga kasamahan ko saka sila magiliw na nag-paalam sa akin, alam naman kasi nila ang sitwasyon ko. Nilingon ko munang muli si Divine habang palayo na kami at nakita kong palihim niya akong tinitingnan ng masama. Nginisian ko na lang siya saka ako tuluyang lumapit kay Phoenix para mapuntahan na namin ang mommy niya.   “Bye Miss President.”   Paalam muli ng mga kasamahan ko kaya itinaas ko lang ang kamay ko at hindi na lumingon dahil naglalakad narin kami palayo.           (Cleo’s POV)       “So you are the school SSC President?”   Tiningnan ko lang naman ng masama si Phoenix na ikinagulat naman agad niya.   “And you dare sleep in my shoulder kahit na alam mong maraming nakakakita sa atin? How could you?”   Ilang beses na napakurap si Phoenix dahil sa singhal ko sa kanya bago siya ngumisi sa akin.   “Nice Reaction.”   Lalo ko siyang tiningnan ng masama saka ako naunang lumakad sa kanya, iniwan ko na siya doon dahil nakakainis siya, damuho talaga ang isang yun. Pagdating naman namin sa parking lot ay nandon narin ang mommy niya.   “Oh? Cleo dear, what's with the look?”   Hindi ko siya pinansin saka ako pumasok sa sasakyan ni Phoenix. Sa likod narin ako naupo at sa unahan naman ang dalawa. Buti na lang din at hindi na ako kinulit ng mag-ina na yan, kung hindi ay masisira pa lalo ang araw ko.   Bakit ba naman kasi trip na trip ako ng babae na yan? Tapos yung anak niya naman ayaw na ayaw sa akin, cool. Magkakasundo talaga kami, tsk. Tumanaw na lang ako sa labas saka ako nag-salpak ng earphone at saka ako sumandal habang papaalis na kami sa school.   Maya maya ay napakunot ang noo ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse, bakit kami sa royal subdivision papunta? Kahit nagtataka ay hindi na ako nagtanong pumasok lang kami doon saka kami dumiretso sa dulong parte ng subdivision and that is where Phoenix stop.   Wait? Dito pa rin ba nakatira ang babaeng to? Nagkunwari akong tulog ng maramdaman kong bumaba na siya para hindi na kami magusap dahil naiinis ako sa kanilang mag-ina.   Dumiretso lang naman si Phoenix ng pagda-drive nung maramdaman kong nagsara na ang pinto. Nararamdaman ko din na nakatitig siya sa akin, gaya dati noong palagi niya yung ginagawa, alam ko na siya iyon, ramdam na ramdam ko kapag siya ang nakatitig sa akin.   “I never thought of seeing you again Helliana, never! Why did you came back? Bakit ka pa bumalik? Nasasaktan na naman ako, sinasaktan mo na naman ako, pero masayang masaya ako Helliana, masaya ako na nakita na ulit kita.”   Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko ng sabihin niya iyon pero hindi ako nagpahalata, pakiramdam ko din ay anytime iiyak ako at yayakapin ko siya ng mahigpit. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Saka bakit ganyan siya magsalita? Galit siya sa akin hindi ba? bakit?   Bakit ngayon iba naman ang sinasabi mo? Bakit ngayon ay ganyan ka? Pinaglalaruan mo ba ako? Ganyan ka ba kasama? Ganoon mo ba kaayaw sa akin? Ganoon ba? Phoenix?   I tried hiding my tears and I tried not to cry dahil malalaman niyang gising naman talaga ako. No, I should not cry, hindi niya pwedeng makita na apektado parin ako sa kanya. Nagkunwari na lang akong nagising ng maramdaman kong maya maya ay tumigil ang sasakyan niya at nagkunwari akong bumangon.   “Stay here, mom says I should let you rest.”   Pagkasabi niya nun ay bumaba na agad ako at hindi na siya tiningnan, dire-diretso lang din ako saka ko ini-lock ang pinto at isinandal ko lamang ang ulo ko sa pinto at hindi umaalis doon habang hawak hawak ko ang doorknob, pinakiramdaman ko lang din siya pero hindi naman siya pumasok, narinig ko din na umalis na ang sasakyan niya.   My tears finally run down, and even my sobs filled the empty house. I let myself cry dahil alam ko naman na walang makakakita sa akin, I let myself cry dahil ito ang gustong gusto kong gawin magmula pa lang nung una ko siyang makita.   I even started punching the door na agad na nag-alarm saka ako tumalikod sa pinto at pinilit ko ng maglakad papasok ng kwarto ko.   “Cleo?”   Napatigil ako sa paglalakad when I saw Ava, kasama niya sina Killian, Hunter at Massi at kitang kita ko na gulat na gulat sila sa akin, pero lalo lang akong umiyak.   “Bakit ba bumalik pa kayo? Dahil sa inyo miserable na naman ako, bakit bumalik pa kayo? Bakit?”   Hiyaw ko sa kanila habang umiiyak lang ako, hinayaan ko ang sarili ko na lumuhod at ilabas ang lahat ng sakit, after all, I knew this pain wont stop kapag hindi ko ito inilabas.   “s**t? Cleo?”   Nilapitan agad ako ni Ava and she just hug me, hindi ako tumutol, hindi ako nagsalita pero tuloy tuloy lang ang luha ko. Umiyak lang ako ng umiyak dahil alam ko na kahit kaylan hindi ko na masasabi ang mga bagay na gusto kong sabihin, kahit kaylan mananatili na lamang na lihim ang lahat.   Siguro ito na nga yung mas makabubuti sa lahat, yung masanay akong nandyan siya habang tinatanggal ko siya sa sistema ko para mas fulfilling. Makakaya ko din siyang tanggalin sa buhay ko, alam kong kaya ko yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD