(Cleo’s POV) Matatapos narin sa wakas ang mga niluluto nila, sa totoo lang ay nagugutom na ako at ang babagal nilang magluto. Nakalatag na ang mga tent namin at umalis na kanina pa ang mga tauhan dito sa halamanan kaya kami na lang din ang nandito. “Bukas hindi na ganito kaganda ang mapuntahan natin, iilan pa lang kasi sa parte ng hacienda ang nalilinang at ang ibang pupuntahan natin ay hindi na masyadong napupuntahan ng mga tao lalo na ang talon.” Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko, hindi ba sila makapaniwala na may parte pang hindi nalilinang sa hacienda? tsk. “Seryoso? May talon sa hacienda na to?” Sabay sabay nilang tanong and I just roll my eyes to them, kaylangan ko pa ba yung ulitin? Yung talon lang naman pala ang ikinagulat nila. “Napakalaki tal

