(Cleo’s POV) “You missed the opportunity,” mayamaya ay sabi sa akin ni Phoenix habang busy siya sa pagmamaneho. Sa ngayon ay pauwi na kami at tinupad niya nga talaga ang sinabi niyang hihintayin niya na ako. It was already 8 in the evening, kanina pang 5 umuwi yung iba at ngayon lang kami umuwi dahil kaka-out ko lang din. Naiwan naman sa hospital sina Kuya Leon at ninang si ninong naman ay umuwi ng maaga para samahan si Lionel. Sumama na lang din sina Marcus at Leanna sa kanila. “Knowing them? Siguradong marami pang chances na mago-open para sa kanila,” tangi kong sagot sa kanya. Alam ko naman na ang party ni William and tinutukoy niya. Yun din kasi ang kanina pang bumabagabag sa akin. “Inasikaso ko na ang pagpapadala ng message sa kanila tungkol sa hind

