(Cleo’s POV) “Mga tao sila ni William,” Blake said dahilan para mapabuntunghininga ako, “Posible ding kasama ka sa target nila,” she said again. Nakapagtataka lang na kung si William ang nagpakilos sa kanila, bakit ganoon sila? They are too careless, sinadya nilang gumawa ng eksena para saan? Sa totoo lang akala ko ay mahihirapan akong itumba sila, pero nadali lang sila ng mga pulis kahapon. Noong dumating sina Blake at si Phoenix ay wala na sila sa hospital, dinala na sila ng mga pulis sa prisinta matapos nilang masukol ang mga yun. Patay na rin silang lahat dahil nanlaban sila. Hindi din naman naghinala sa amin ang mga tao sa hospital dahil alam naman nila na pauwi na sina kuya Leon noon, siya narin ang umayos ng lahat dahil binalikan niya ako matapos niyang ihati

