(Cleo’s POV) “Positive, nandito na si William,” dinig kong sabi ni Arielle sa ear device namin dahilan para magkatinginan kami ni Elisa. Naka-posisyon na si Blake sa building na katapat ng condominium na kinaroroonan namin, magkasama naman si Arielle at Cathy na nasa building sa likuran ng condominium na ito. Blake and Cathy was holding a riffle at hawak ni Arielle ang laptop. Nakaposisyon na rin si Dani sa lounge ng condominium at nananatili naman kami ni Elisa sa labas ng building at hinihintay lang namin ang signal ni Arielle. “Sumakay na siya ng Elevator,” Dani said also. Hudyat naman iyon na kikilos narin si Dani, kaylangan niya na ring kumilos. Kaylangan niyang makasiguro na tama ang unit na pupuntahan ni William. Kaylangan din na sigurado kami sa bilan

