(Cleo’s POV) Matapos kumain ay nauna ko ng linisan si Tres at Dos saka ko sila hinayaang sumama sa daddy nila saka ko nilinisan si Uno na nananatiling tahimik. Masungit talaga itong anak kong ito, lahat yata ng kasungitan sa mundo ay napunta na sa kanya. “Are you mad?” I ask him habang binibihisan ko na siya dahilan para mapatingin din siya sa akin. They are just five years old but they act and talk like 10. Ayon kasi sa pedia nila ay mataas ang IQ nila dahilan para kumilos o magsalita sila ng doble sa edad nila. Minsan ay nakakatulong sa akin ang pagiging matatalino nila, minsan naman ay nakakainis dahil sobra yata talaga ang talino na nakuha nila, minsan ay nakakatakot din katulad dito sa panganay ko. “Is this for real now, dito na ba tayo titira with him?” ag

