(Ava’s POV) Habang nagluluto ng meryenda ng mga bata si Tita at tinutulungan din siya ng mga bata, ay nagpaalam din muna si Cleo na maliligo sandali, naiinitan daw kasi siya at sigurado akong sa kanya talaga nagmana ang mga anak niya sa pagiging mainitin. “Who would have thought na mauunahan pa tayo ni Phoenix? Buong akala pa naman natin ay nakalalamang na tayo, akalain mo nga namang nakatatlo agad to sa isang paghihirap lang,” pangaasar ni Killian kay Phoenix. Nagtawanan kami dahil doon at hindi naman siya pinansin ng inaasar niya, nakatanaw lang siya sa pinto papunta sa kusina na parang nakikita niya mula dito ang mga anak niya. “Ang galing ni Cleo ano? She was just freaking 20 that time, too young for that big responsibility pero kinaya niya. Lodi namin yan e

