"Wala naman siya doon." Reklamo ni Sam pagkarating niya. "Hindi mo kasi pinatapos yung sasabihin ko kanina. Mabuti nga." Wika ni Lauren kaya sumama ang tingin ni Sam sakaniya. "Nasaang banyo ba siya?" "Sa may field." Nagusap pa sila ngunit hindi ko na pinansin nang tumunog ang aking cellphone at ang taong hindi ko inaasahan ang tumatawag. Sasagutin ko pa lang ito'y namatay na. Bigla naman siyang nag text. "Guys." Tawag ko sakanila Sam at Lauren. "Hmm? Why?" "It's Katharine." Bigkas ko. Mabilis naman nilang tinignan ang aking cellphone. "She's returned." "How is she still alive?" Hindi makapaniwala nilang tanong. "Saka ko na ipapaliwanag. Tara na." "But Ken said let's meet him." Ani ni Sam pagkatapos niyang maitago ang kaniyang cellphone. Nagkatitigan pa kaming tatlo na paran

