"Okay. So, what's the plan?" Tanong ni Sam. Umalis rin ang papa nila Ken kahapon. Hindi na rin kami nagtagal at umalis na rin kami pag-alis ng daddy nila. Ngayong umaga ay nandito kami sa campus, sa roundtable, naguusap tungkol sa pagpunta sa purgatoryo. "Ken?" Pagharap niya kay Ken nang walang sumagot saamin. "I can't think of a plan. I never been on that place." Aniya atsaka nagpakawala ng malalim na paghinga. "Katharine?" Tanong naman Lauren. "Wil. Will you do the honor?" Tanong ni Katharine kay Wil na nakatayo. Wala na kasi siyang maupuan dahil basa at marumi ang upuan. Ang lakas kasi ng ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw. Wala kaming pamunas kaya ito at nakatayo siya. "Why him?" Tanong ko. "I already told him everything I know.... yesterday." "Before I called you."

