#7: The Case

3097 Words
Bigla akong nalungkot nang maalala ko nanaman ang problema namin sa Bahay. Hindi ko na alam ang gagawin kapang mangyaring mapaalis kami dito sa tinirihan namin. Wala kaming ibang mapupuntahan kapag nagkataong mangyari iyon saamin. Acck... Hindi ako mapakali sa kakaisip. Mababaliw na ata ako. "Momsie, Kumusta po? Nahanap niyo na po ba? Alam mo na ba kung saan mo nailagay yung mga dokumento?" Sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi maaligaga e! Halos umusok na itong puwet ko sa kakaikot ko rito sa buong bahay. "Lorina, kung saan-saan ko na hinanap, Anak! Binaligtad ko na itong mga silya. Itong lamesa at ilang mga gamit natin sa bahay. Kulang na lang nga e... maitapon ko na sa labas ang lahat ng gamit dito para lang mahanap ko iyang titulo na iyan! Sumasakit na ang ulo ko, Lorina." Aburidong sabi nito. Kahit sino naman kasing nasa ganitong kalagayan e mahihilo rin. "Ma, sigurado ka ba talagang naitago mo? Baka naman may mga iba ka pang lagayan diyan na puwede mong pag-siksikan ng mga papel na iyon." "Oo sigurado ako. Hindi ko nga lang kasi talagang matandaan kung saan ko naisuksok ang mga papel-papel na iyon!" Aniya at tuloy pa rin ito sa paghahanap. "Tulungan na kita, Ma. Asan na ba kas---" Biglang may kumatok doon sa labas. Kaya sandali kaming natigil sa paghahanap. "Sandali lang ho. Ito na, s--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino yung kumakatok pagbukas na pagbukas ko noong pintuan. "Titulo?" Masungit pa nitong pagkakasabi saka agad na inilahad ang kamay niya sa harapan ko. "Ah, eh .. Ano ho kasi." Yun na lamang ang mga nasabi ko saka ako napakamot sa ulo. "Pasensya na po, pero kasi sinusubukan pa rin po naming hanapin kaso.." Singit nitong si Momsie na ngayo'y nasa tapat ko na. "Kaso ano?" Singit pa nitong kalbong lalaki. "Kaso hindi pa rin namin makita. Pero may maipapakita akong papel sainyo. Ito ho! Sana puwede na iyan sa ngayon!" Aniya saka nito iniabot ang isang lukot-lukot ngunit malinis na papel na agad rin namang kinuha ng kalbong Mama. "Mga pangalan ng tao na nag-papatunay na sainyo itong Lupa?" Pailing-iling pang sabi noong Mama. "Opo. Nakalagay diyan ang mga pangalan ng taong nakasaksi na nabili namin itong lupa. Nandiyaan rin po ang ilang mga testamento na nag-sasabing may karapatan kami sa lupang kinatitirikan nitong bahay namin. Sana ho, Sapat na muna yan sa ngayon. Pero huwag po kayong mag-alala. Hahanapin pa rin namin yung titulong sinasabi ninyo." Paliwanag pa nitong si Momsie doon sa kausap naming lalaki. Nag-isip pa ito ng ilang saglit bago tuluyang nagsalita ulit. "Okay na po ba yan? Hinahanap po talaga namin yung titulong sinasabi ninyo pero yan pa lang po kasi ang maipapakita namin, Sir." Singit ko doon sa kanila. "Hindi sapat ito ha? Hindi sapat para saamin ang pirasong papel na ito para masabing inyo ang property na ito. Kailangan naming makita ang mga dokumentong nag-papatunay na may karapatan kayo sa lupang ito! Dahil ako bilang isa sa mga Construction property manager... May sapat kaming mga dokumentong maipapakita sainyo katunayan na puwede kaming mag-tayo ng proyekto sa lugar na ito." Mariing sabi nitong sabi at pag-papaliwanag noong lalaki saamin. "Pero yan po muna sa ngayon ang mapapakita namin. H-huwag kayong mag-alala! Opo sisikapin po naming mahanap yung titulo nitong bahay para maniwala kayo na sa asawa ko nakapangalan itong lupa." "Sige, pumapayag ako. Naiintindihan ko naman kung saan kayo nanggagaling, kaya bibigyan ko kayo nang pag-kakataon at panahong maipakita saamin yung mga papel na hinahanap namin. Dahil Ilang buwan na lamang ay mag-uumpisa na kami sa aming Project para sa lugar na ito. Sa susunod na balik ko sana dito.. Inaasahan kong may mga documents na kayong maipapakita saamin. Para maiwasan na po natin ang mga ganitong klase ng problema." Sabi pa nong lalaki saka na ito umalis at lumabas doon sa Gate. Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Mama pagkatapos naming makausap yung lalaking yon. Nakakailang balik na kasi ang mga yon dito, dahil ang ilan sa mga kapitbahay namin e.. Wala nang ibang nagawa kung hindi ang umalis sa lugar na ito. Pero kami hindi kami makakapayag na ganon-ganon na lamang ang mangyari saamin ng Nanay ko. "Anak, Lorina hindi ko alam kung saan tayo pupulutin kapag nangyaring mapalayas tayo rito!" "Momsie, Hindi tayo aalis dito. Maniwala ka saakinn makikita din natin yung importanteng papel na yon. Hindi maisasama ang lupang ito sa Project na gagawin nila sa lugar na ito. Ilalaban natin to, Ma." Sabi ko pa sa kanya saka ko siya tinapik-tapik sa kanyang likuran. "Mahahanap natin yon. At sa susunod na magpunta ang lalaking yon, sisiguraduhin nating may maipapakita na tayong katibayan sa kanila. Papel na mag-papatunay na saatin ang lupang 'to. Di tayo papayag, Ma. Ito na lang ang natitira kong memory sa Tatay ko dahil hindi ko siya nakita, Ever since." Nangingimi ko pang sabi dito kay Mama. Feeling ko anytime tutulo na ang luha ko. "Pero anak, Halos lahat ng tao dito ay nag-aalisan na. Lahat sila tinanggap na wala na silang karapatang manatili pa sa lugar na 'to." "Ma, Huwag kang mag-isip ng ganyan. Hindi tayo aalis dito, Okay? Saka may laban naman talaga tayo kung nagkataon e di ba? Kailangan lang talaga nating makita yung Alas nating iyon nang sa ganon magawa nating manatili dito. Saka may tutulong naman na po saatin.. Darating si Attorney August. Tutulungan niya tayo." **** *** **** Susubukan kong kontakin si August tungkol dito sa problema namin. Nakailang ring din bago niya tuluyang sagytin ang tawag ko. "Hello?" Sagot nito sa kabilang linya. "Hello, Attorney August. Si Genesis ito. Kailangan nating mag-usap. Kailangan namin ang tulong mo." Dire-diretsong sabi ko. "Okay, I'll be there. Just text me your full address." Rinig kong pagkakasabi nito. "Sige, itetext ko na lang sayo." "Okay." "Thank you, Bye." Then ibinaba na yung Call. "Sino yung kinausap mo anak?" Tanong ni momsie. "Siya yung sinasabi ko sayong tutulong po satin na abogado." Paliwanag ko sa kanya. "Talaga bang matutulungan tayo niyan?" - Momsie. "Momsie naman. Oo naman. Sigurado akong makakatulong saatin ang taon yon. Naniniwala ako" "Matutulungan ba tayo niyan kasi kung hin--" "Momsie, Si Atty. August yon. Siya yung sinasabi ko sayong puwedeng makatulong sa problema natin! H-hindi pa tayo sigurado sa pwedeng mangyari pero gagawin niya ang lahat para matulungan tayo." Pinipilit ko na lang na ngumiti sa harapan niya. Kahit na sa loob-loob ko hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. "Sigurado ka diyan anak ha?" "Opo. Okay yon!" Sana nga, maayos na ito. *sigh* Napapabuntong hininga na lang ako sa nangyayari saamin. "Tao po!" Si Momsie na ang nag-bukas noong Pintuan, Si August na ata yong dumating... "Sino po sila?" Rinig kong tanong ni Momsie sa kanya. "Is this Talina's Residence?" Psh. Umingles nanaman! "Yes. Ako yung Nanay niya." Hindi ko alam kung matatawa ako kay Momsie o ano e. "Welcome, welcome. Ee .. Nandon yung anak ko. Hala, sige kayo ang mag-usap!" Hindi ko na napigilan ang matawa dahil kay Momsie. "Lorina, lumabas ka nga riyan at ikaw ang kumausap dito sa bisita mo." "Opo, ito na lalabas na." Sagot ko mula dito sa kusina. Dinalhan ko na muna ng maiinom itong si August, Saka yoon inilapag sa Lamesa sa harap niya. "Ang bilis mo naman ata?" Bungad ko sa kanya. "Lorina genesis! Ganyan ba ang tamang pagbati mo sa bisita?" Ay! Beastmode si Momsie? "Ah e.. kamusta naman yung biyahe mo pag-punta dito?" Tanong ko. "Nahirapan lang ako ng unti na hanapin itong Address ninyo. Kaya nagtanong-tanong na lang rin papunta dito." Sagot nito saakin. "Pasensya ka na, Attorney ha? Nahirapan ka atang matunton itong lugar namin." "It's okay no problem.'' Maikling sabi niya saka ito ngumiti saakin. Shocks! Ang sexy ng smile niya. Napakagwapo talaga. ''Nga pala, Attorney August. Siya yung Momsie ko. Nanay ko. Momsie siya yung Abogadong sinasabi ko sayong maaaring makakatulong saatin. Si Attorney August Monteverde." Pagpapakilala ko sa kanila. "Ah, Siya pala yun. Salamat naman kung ganon. Sana matulungan mo kami ano attorney?" "Momsie!" Sita ko sainyo. "Ang ibig ko lang namang sabihin ay hindi ba masyado pa siyang bata para maging Attorney?" Paliwanag niya. Sus.. Palusot. Hayss.. Medyo nahohopeless na kasi ang Nanay ko at baka ang maging ending namin e.. Magaya sa iba, na wala nang ibang choice kung hindi ang umalis na lang. "Ke gwapo pa." Dagdag niya. "Salamat po. Huwag kayong mag-alala tutulungan ko po kayo sa paraang alam bilang Attorney." Nakangiti pang sabi nito saka pasimpleng yumuko. Teka ano to? Kinikilig ba siya sa mga sinasabi ng Nanay ko sa kanya? Ganyan ba talaga siya kapag napupuri?! Ang kyoot! "Nasaktan kaba?" Biglang sabi ko. "Ha?" Agad namang napalingon si August sa sinabi ko. "I mean diba. Truth hurts? Hehe." Sabi ko. Opps! MAIS. Nahiya na lang akong bigla sa mga korni kong banat. "Is that a joke. Haha." Sabi niya saka tumawa. Is that true? Napatawa ko ang masungit na to? Oh! Achievement Genesis beng! **** *** **** "If that's the case? Medyo mahihirapan po tayo dyan." "E attorney, yun nga ang problema namin. Hindi ba pwedeng testigo muna ang maiharap natin kasama ang papel na may Witness kami upon land registry?" Paliwanag nitong si Momsie. "Pwede naman po, but Title Deed is more important or at least nandiyan pa po yung deed of sale and other supporting documents Lalo na yung original copy na notarized by a registered Attorney." Tinitignan ko lang si August habang ipinapaliwanag niya kay Momsie lahat. Hayss! Ang gwapo talaga. Mukha pang mabango. "Nasabi ko na sa taong nagpapaalis samin dito yung papel kung saan nakalagay yung mga pangalan ng taong nakatestigo nang makuha namin itong lupa." - Momsie. "Subukan po ninyong hanapin lahat ng documents na maaaring maging proof na may karapatan kayo sa bahay na ito. Tapos titignan po natin kung ano pa yung mga pwedeng maging supporting documents ninyo bukod sa Title deed or Titulo nitong lupa." "And as much as possible po e.. Maipasa na natin ito sa public office and maisapina na rin sa Trial Court." "E wala kaming kakayahan at sapat na pera. Sa mga maaaring gastusin namin para dito. Sa pag-papaaral pa lang dito sa anak ko kulang pa?" "Huwag po kayong mag-alala sa pera. Dahil tutulungan ko po kayo ng Libre kahit na ako'y Private Lawyer. Para san pa po na magkakilala at magkaibigan kami nitong anak ninyo?" A-ano kaibigan kami? As in magkaibigan kaming dalawa? Woaaah! Tumingin naman sa direksyon ko si Attorney at ngumiti ng matamis na siya namang binawian ko rin ng Ngiti. Para kasing sinasabi niya sa Nanay ko na matagal na kaming mag-kakilala para ma-offeran niya kami ng ganitong klase ng tulong. Aarte pa ba ako? Like hello isang August Jeremy Monteverde sasabihing close kayo kahit na hindi naman talaga. Nah .. syempre wala ng rekla-reklamo no?! "Pero hindi ko pa po agad masasabi sa ngayon na magiging maganda ang resulta nito. But Ma'am don't worry gagawin ko po ang lahat para manatili kayo dito." Aniya at ngumiti kay Momsie. "Salamat naman po kung ganon. Sana nga." Napabuntong hininga naman si Momsie. Salamat, August napapagaan kahit papaano ang kalooban ng Nanay ko. "Ma, Kagaya nga nang nasabi ni August gagawin niya ang lahat huwag lang tayong mapaalis dito. Hindi ho tayo aalis dito okay?" Si Momsie kasi napakanega kung mag-isip. Wala pa ngang nangyayari sa kaso e .. gusto na agad na sumuko. "Hindi ko kasi maiwasang hindi kabahan. Natatakot ako para satin! Hindi ko alam kung saan tayo pupulutin pag nangyaring mapalayas tayo dito. Alam mo yan!" Aniya saka seryosong tumingin saakin. "Sige ho, Ganito.. Yung mga Dokumentong katulad ng Deed of absolute sale especially kung naibenta sainyo ang property na ito properly. Contract to sell, Tax declaration, Certified title kung nailipat sa pangalan ninyo nang maayos ang pag-aari niyong ito and etc." "E paano kung halimbawang nawala yung mismong Titulo? May magagawa pa po ba kami doon?" Tanong ni Momsie. "Kapag po halimbawang nawala yung mismong land Title. Puwede naman po nating Mareplace yun. Maraming proseso ang dadaanan kung yun po ang gagawin natin. Para mabawi yung nawalang dokumento na yon, kung sakali. Lalo po at yun ang pinaka-importanteng requirement na maipapakita natin doon sa gustong mag-tayo ng Proyekto sa lugar ninyo." "Sige, Attorney.. Sisikapin talaga naming hanapin yung importanteng papel na yon. Para manatili kami sa lugar na ito. Ito na lang kasi ang iniwan saakin ng dati kong Asawa." Sabi pa nitong si Momsie. "Basta po, Hindi pa tuluyang nauumpisahan yung proyektong sinasabi na gagawin sa Lugar na ito. May oras pa tayo para ayusin lahat. Pero hangga't maaari po mahanap na ninyo lahat ng mga kailangan nating dokumento at maasikaso na ito, Agad agad. Para nang sa ganon ay hindi na tumagal at lumaki ang tsansang makuha sainyo ang Property na to." "Sige ho, Sa ngayon mauuna na po muna ako. Balitaan niyo po akong ulit.. Para mabigyan po natin nang sapat na Oras uli ang problema ninyong ito. Ms. Talina, Tawagan mo na lang ako ulit kapag may bago kayong update tungkol dito. Mauna na ako." Aniya saka tipid na ngumiti saamin. "Momsie, Ihatid ko po muna si Attorney sa labas" Paalam ko rito at sinamahan nang lumabas si August. "Sige ho!" Paalam nito kay Momsie. "Salamat po, Attorney!" "August, Ngayon pa lang mag-te Thank you na ako sayo. Kahit hindi pa nakakarating sa Trial court ang problema naming ito. Hindi ko alam na darating pala talaga yung pag-kakataon na kakailanganin namin ang Tulong mo. Pasensya na kung sa ngayon.. Wala pa kaming maibabayad sayo ha? Pero huwag kang mag-aalala babayar--" "No. It's okay. Bukal sa loob ko ang pagtulong sainyo. Huwag niyo na po munang isipin yung ilang mga gagastusin. Basta yung mga sinabi ko sainyo, As much as possible makita ninyo. Sakaling hindi ako agad mkapunta sainyo, Ako na mismo ang tatawag at mag-siset ng Meeting para sainyo at sa Problema ninyo. Huwag kayong mag-alala" Paliwanag nito saakin. "Sige na, I have to go! Contact me whenever there's an update about everything!" Tumango na lamang ako sa mga sinabi niya. Hinintay siyang makasakay at makaalis nang tuluyan. Hanggang sa hindi ko na makita yung sasakyan niyang papalayo sa labas nitong bahay namin. Hayy.. Tiwala lang, Genesis. Magiging maayos rin ang lahat! ---- --- ---- Yung iba rito sa lugar namin.. Tinanggap na yung pangyayaring kailangan na nilang umalis at mag-paalam sa lugar na ito. Matagal na kaming naninirahan sa lugar na ito sa Maynila. Halos dito na rin ako lumaki at nag-kamalay. Kaya naiintindihan ko ang Nanay ko kung bakit ayaw niya basta bastang bitiwan ang bahay na ito. Hanggang ngayon nga iniisip ko pa din yung Tatay ko. Like Nasaan na kaya siya? Nabubuhay pa kaya siya?! Hindi ako magagalit or galit sa kanya dahil kahit kailan hindi ko siya nakita at nakilala. Dahil lumaki at pinalaki ako ni Momsie nang maayos. Binigyan ng maayos at magandang buhay, Kahit na mahirap lang buhay namin. Sinisikap din niyang makasurvive kami sa Araw-araw.. "O Genesis, Asaan ang Nanay mo?" Nakatulala lang ako rito sa harapan nitong bahay namin. Nang biglang napadaan si Aling Marites. Bitbit ang ilang gamit sa bahay nila... "Nasa loob po. Kayo po, Saan kayo pupunta?" "Ito. Tinanggap na namin ng Pamilya ko na kailangan na rin naming umalis sa lugar na ito. Kahit na mabigat sa loob namin. Saka pinakitaan na rin kami ng mga legal na dokumento patunay na may karapatan na silang mapaalis tayo dito. E.. Kami naman wala kaming karapatan sa lugar na ito, kaya wala din kaming karapatang makipalaban at makipag-matigasang mag-stay dito." Paliwanag ni Aling Marites saakin Wala akong masabi sa mga sinabi niya saakin kung hindi ang ngumiti at sumang-ayon na lang sa kanya. "O sige na, Mauna na kami. Kayo mag-iingat kayo dito ha? Ipaglaban ninyo yung karapatan ninyong mag-stay sa lugar na ito. Dahil alam ko naman mula umpisa na karapat-dapat kayong manirahan pa rito." Aniya saka ito ngumiti saakin. "Sige po, Salamat! Mag-iingat rin po kayo!" Hayy.. Sana lang huwag kaming umabot sa pag-kakataong tanggapin na rin naming kailangan na naming umalis dito. Hindi pa sapat ang Ipon namin ni Momsie para lumipat at mag-simula ulit! Ni hindi pa nga ako nakakatapos at Nakakagraduate. Wala pa akong ganoong napapatunayan sa Sarili ko. --- ---- ---- Nag-lilinis kami ngayon ni Momsie nitong buong bahay. Kagagaling ko lang ng University. Nag-text at tumawag na rin ako kay Rica para ipaalam at ipasuyo sa kanya sa Boss namin na hindi na muna ako makakapag-duty ngayong gabi. Dahil tutulungan ko pa ang Nanay ko na mag-hanap nang mga Dokumentong kailangan namin. We decided na mag-linis nitong buong bahay, Baka sakaling may mga nahulog at nag-singit singit sa mga sulok-sulok na mga importanteng bagay at mga papel na maaring maging katibayan namin sa kailangan namin na ipag-laban. Iniisa-Isa kong buksan yung mga lagayan, Drawer at ibang mga gamit namin dito na puwedeng mapag-lagyan at mapag-siksikan nang kung anu anong importanteng papel. Baka sakaling may mga makita ako na maaaring makatulong saamin. "Lorina, Anak. Tignan at basahin mo nga ang mga yan. Baka kasama yan sa mga kailangan natin" Aniya saka nito iniabot ang isang Folder na malinaw na may mga lamang maraming papel. "Certificate of Live birth, Baptism, Certificate of marriage.. Certified true copy of Deed of Absolute Sale. Letter of Intent (LOI), Land registry. Ito, Ma.. Itong mga ito yung mga ilang nabanggit saakin ni August na kailangan nating maging katibayan." Excited na pag-kakasabi ko kay Momsie. Yun pa lamang ang nakikita namin. Pero kahit papaano ay magiging sapat na uling katibayan para saamin. "Nako, Anak. Salamat naman kung ganon. Oo ayan nga yung ilang mga dokumentong pinirmahan namin bago tuluyang maibenta ang bahay na ito saamin ng Tatay mo" Aniya at hindi maitago ang saya sa mga mata niya matapos naming makita yung mga legal na documents na yon. Yon nga lang yung pinaka Certificate of Land title ang hindi pa talaga namin magawang makita. "Ma, Kailangan nating Iupdate si August tungkol rito.. Para matulungan niya tayo sa mga bagay na kung sakaling kailangan pa natin halimbawang hindi na natin makita ang yung Deed title nitong Lupa" "Sige, Anak. Oo.. Kontakin mo si Attorney. Para alam niya kung paano yung iba pa nating magagawa para dito. Pero sige, Susubukan pa rin nating hanapin yung iba pang mga papel papel kailangan natin" Salamat po, At kahit paano ay unti-unti nang nagiging malinaw ang lahat saamin. Ramdam ko naman na may laban talaga kami para dito. Dahil at first may karapatan naman talaga kami sa Lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD