#6: That Monteverde Girl

2332 Words
Nandito ako ngayon sa University na pinapasukan ko as College hindi para pumasok sa Klase ko kung hindi para mag-duty as Student assistant or S.A sa Guidance Office nitong school. Sobra akong busy sa life. Waitress at night, Student life sa umaga s***h Student assistant. Doing this thing hindi ko alam kung trabaho bang matatawag ito or what. Pero isa ito sa mga reasons kung bakit nakakaless ako sa mga expenses ko rito bilang nag-aaral pa ako. Since may scholarship rin ako na dapat ingatan at Academics na dapat i-maintain sa Course program na kinukuha ko which was Marketing management. Mahirap.. Pag-sabay sabayin lahat ng duties and obligations ko as a person, Pero kinakaya naman. Kailangan ko lang rin talaga ng tamang pag-mamanage ng Oras. Sa lahat nang dapat kong gawin! Kapag wala akong klase madalas akong nandirito sa Guidance office, minsan nasa library. "Don't you dare to touch my skin or else I will make your life miserable!" Nasa loob ako nitong Guidance office pero malinaw kong naririnig as in rinig ko na yung boses ng Isang babaeng nag-sasalita sa labas. Ang shala ng lola mo! Umieengles. Ang sakit sa ulo. "Hoy! Malandi ka, Nilalandi mo yung boyfriend ko. Mang-aagaw ka ng boyfriend. Pa-english english ka pa! Hidad ka rin naman pala!" Mag-kasunod na pumasok yung dalawang Tourism management Student. Yung isa magulo ang buhok na parang kinalahid ng manok, Habang yung isa ay parang wala lang. Oo. Tourism Management. Dahil uniform pa lang nila at mga takong nila nag-huhumiyaw na kung anong course program nila. In other words Malinis. Walang bahid ng kasalanan! Teka, mapapasubo ata tayo ngayong umaga ah? Ito na ba yung breakfast ko?! "O Sir, Good morning po! Teka ano pong nangyari sa dalawang yan?" Tanong ko don sa Professor nagdala sa dalawang estudyante dito sa office. Nako, Wala pa naman yung Guidance counselor. Inaantay ko pang dumating. "E ayan, Nakita kong nagrarambulan sa Cafeteria. Imbis na pigilan ng ilang estudyante kinukuhaan pa sila ng video." "Kaya nang mapadaan ako sa Cafeteria at nakita kong may nangyayari. Ako na ang umawat sa dalawang ito para dalhin at ireport dito." Sabi nito saakin. "E tignan mo.. Hanggang sa makarating dito hindi matigil ang sagutan. Matatapang masyado!" Dagdag pa nito sa sinabi. "Salamat po, Sir Rico. Wala pa po kasi Ms. Delos Santos dito e. Inaantay ko pang dumating. Pero sige po, Ako na muna ang mag-tetake charge dito habang wala pa si Ms." Paliwanag ko doon sa Professor. "O sige, Anak. Ikaw na muna ang mag-admit sa dalawang yan!" Saka na lumabas yung professor at naiwan na kaming tatlo. "Okay. Mga Ate, Anong nangyari?" Ako na mismo ang nagtanong sa dalawa. Kalma muna ako saglit. "E ate, yang babaeng yang she's stealing my boyfriend! Kitang-kita ko" "You b*tch! Iam not STEALING someone's Boyfriend." Gigil na sabi nitong isa saka pa umirap. "You're not stealing pala ah? Kaya pala kung makadikit at makasandal ka sa boyfriend ko para kang linta!" Susko ang batang ito, Sana all may Jowa. Ako kasi academics lang inaatupag. "Oh! Boyfriend mo pala yun? E.. He said na Single siya and ready to mingle. Tapos sasabihin mong Boyfriend mo? E bakit ka niya dinedeny. Sure ka bang alam niya na In a relationship kayo? Or ikaw lang ang nagke-claim na boyfriend mo yung tao?" Mataray na sabi nitong babaeng Tisay. Tunog expensive pa. "Like duh! Ako ba yung klase ng babae na itatanggi. Like sure ka?" Matapang na sabi ng isa. "Baka naman sinasabi mo lang yan, Kasi nga malandi ka." "Anong sabi mo? Malandi? Isa pang beses na sabihin at gamitin mo yung word na yan, Masasabunutan kita ulit!" "Saka kung ikaw ang Girlfriend, Bakit dinedeny ka niya? Tapos sinasabi niyang Single pa siya!" Confident nitong pag-kakasabi. "Aba't sumosobra kana ah!" At aamba nang sasabunot dito sa Isa. Para akong nanunuod ng Eksena sa Tele serye sa TV nito. Ang sakit sa ulo nang batang ito! Juicecolored!! "Hey! Will you please stop that? You two!" Sigaw ko. At agad naman silang tumigil pagkasabi ko non. Naiinis na ako, Ang aga-aga naaalog ang utak ko! Susko, Nasaan ka na ba kasi Ms. Delos Santos! Ang stressful ng trabaho kapag ganito. ''Ngayon, maupo kayong dalawa! Nang maayos, puwede pakinggan niyo ako? Puwede?" "Anong year na kayo?" Tanong ko doon sa dalawa. "1st year po/1st year." Sabay nilang sagot. Yung isa nakayuko at yung isa naka-Tiger look pa! Spoiled brat ata itong isa e! "Nag-aaway kayo nang dahil sa iisang lalaki? At bakit?" Medyo mataray kong sabi. Para masindak at matakot naman saakin. "Hindi mo ba narinig? Psh. Like kanina pa kami nag-tatalo rito. Tapos hindi mo alam? Seryoso ka ba ate?" Aba, ang tapang talaga! Natahimik ako don seryoso. "Okay. Sige. Malinaw. Narinig ko naman, Oo." Napapakunot ang noo ko sa babaeng ito! Nako.. Hindi ko kinakaya! "Mga freshman palang kayo hindi ba? Tapos mag-kakaroon na kayo ng record dito sa Guidance. Ang gaganda ninyo tapos grabe kayo gumawa ng eksena! Tsk tsk. Nag-uumpisa pa lang kayo sa University na ito, then may bad record na kayo!" "Is that a compliment?" Singit ng Isa. At pinandidilitan pa ako nang mata. Ganyan ba talaga ang ugali ng batang to? Pero imbis na sagutin ko siya sa mga sagot niya saakin, Sinusubukan ko na lang na kumalma at napapangiti ako na lang ako ng mapait. "Write your names in this sheet of paper including your year and course together with the contact numbers ng Guardian ninyo para makapag-report dito kay Ms. Delos Santos" Diretso kong pag-kakasabi sa kanila. "Kailangan ba talaga yan?" Namumuro na sakin tong tisay na to! Kanina pa to e. Susko hindi ko na alam kung paano siya ihahandle sa Attitude niyang yan! "Kailangan kong makausap yung mga magulang ninyo or kung sinong pwedeng makausap tungkol dito sa ginawa ninyo. Kung aware ka against sa Student's handbook yung ginawa ninyo" Bakit ba nag-papaliwanag ako nang sobra sa batang ito! "No need." Nakangiti pa niyang sabi at Inilabas ang phone niya saka ito nag-dial. Teka, Anong ginagawa niya? "Hello kuya! Pwede ka bang pumunta dito? Oo now na. Nakipag-away kasi ako dito sa school. Oo nga sabi! Kailangan ka dito. E bakit ba? Oo. Dalian mo! Bye." Nagulat ako sa mga narinig ko. At talagang Proud pa siyang nagsumbong sa kuya niya na may ginawa siyang hindi maganda dito sa school. Like WTF! Hindi ko kinakaya yung self confidence ng isang ito! Sobrang taas. *** "O Genesis, You're early. Kanina ka pa ba?" "Ay, Good morning Ms. Delos santos" Bati ko sa kanya. Buti na lang dumating na siya. "Good morning! O what is this about, ha?" Tanong niya. "Ahh. Ayan po, Ms. Dinala ni Sir Morales dito itong dalawa. Kasi nag-aaway kanina sa Cafeteria." "Anong reason mga Hija, Bakit nandirito kayo? Morning na morning. Mag-uusap usap tayo dito agad?" Aniya. Saka nito nilapag ang Bag niya at naupo na sa Mesa niya. Hiyang-hiya na yung isa sa dalawang estudyante na ito. Habang yung Isa pa e.. Parang walang naririnig. "Hello, May kausap ba ako dito?" "Mga, Ate. Sumagot kayo. Tinatanong kayo ni Ms. Kaninang wala siya hindi ko kayo agad maawat. Halos mag-sabunutan na kayo. O bakit ngayon, Tumahimik kayo?" "Nako! Ano bang meron young ladies na ito ha?" "Ayan po, Nag-aaway at nag-sasakitan physical. Dahil sa Iisang lalaki." Explain ko. "Tsk. Tsk. Mga batang ito o? Ke-bata pa ninyo. Lalaki na agad ang reason kung bakit kayo nag-sasakitan ha! Sinasayang ninyo ang mga ganda ninyo. Kung lalaki lang ang dahilan at nag-kakaganyan kayo. Ha?" Hanggang ngayon, Tahimik pa rin sila. At walang ni isa ang gustong mag-salita. Pati itong Tunog expensive. Natahimik! "Excuse me po, Matagal pa po ba?" Polite na nag-tanong itong Tisay. Like Oh my ghaaad! Marunong pa lang gumamit ng Opo at opo ang isang ito? Namimili pa ata ng rerespetuhin! "Antayin mo, Hija. Kung walang darating na Guardians ninyo regarding what you did earlier. Mag-papadala kami ng letter for them no? I will talk to your guardians para hindi na maulit to. Understood?" At hindi na siya nakasagot pa doon sa Sinabi ng Guidance counselor. "Genesis, Ano pareho silang padadalhan ng letter?" "Hindi po. Yung isa lang po sa kanila." "Sino dyan?" "Excuse me, Anong name mo?" Tanong ko roon sa isa. "Eunice po" Nakayuko niya ring pag-kakasabi. "Ayun, Ms. Siya ang padadalhan natin ng letter. Yung isa po. He already contacted his brother. Baka po mag-punta today" "Okay sige. Ayusin mo yung letter niya. Tapos kunin mo yung record ko." "Okay po" Inaayos ko yung papel para doon sa Isa, na hindi makakarating ang Guardian for today. Saka namin aantaying makarating yung kuya nitong Isa. Hindi ko na kinuha at tinanong ang Pangalan, baka kasi balasubasin nanaman ako ng sagot. "Ikaw, Eunice ibigay mo ito sa parents mo or kung sino yung pwede na makausap ni Ms. Delos santos.. Dapat hindi ko na ginagawa to, dahil mga dal---" Napatigil ako sa pagsasalita ko nang may makita akong pamilyar. "Rizzi, What happenned?" August? I mean Jeremy? Totoo ba tong nakikita ko! Siya yung kapatid ng batang to?! Bakit ba parang lagi na lang kaming nag-kikita kung saan-saan. Is this Destiny or something like Coincidence? Ngi! Napapadalas ata ah? Pero sige lang, Nakakatuwa naman ang biro na ito. "Can yoh just talk to them!" Mariing sabi nong Rizzi? "What about that look, Kuya." "I said talk to them. I'm so tired!" Saka pa umirap. Ang spoiled brat talaga! Tinitignan lang ako ni Jeremy, na parang naghihintay sa ano mang sasabihin ko. Ano? Ako pa ang mag-eexplain dito ngayon?! Si Ms. Delos santos naman parang wala sa silid na ito. Ms. Pakigalaw ang baso! ----- "Rizzi, you're not a child anymore! Malaki kana! Hindi na dapat ako pinapatawag at pumupunta ng Eskuwelehan mo. Ilang taon kana ba ha?" Pagalit niyang sabi dito. Nako, Pasaway talaga siguro to. Tsktsk. Teka? Nagagalit na siya niyan? Ang gwapo pa din kasi. "Tanong ba yan or what?" Sarcastic na sabi ng kapatid niya. Saka nag-cross arms. Napahampas na lang si Jeremy sa noo niya. "Pasensya na po kayo, Ma'am" Pag-hingi pa nang paumanhin nito kay Ms. Delos santos. "Sige lang ho, Kausapin ninyo muna" "O Ikaw.. Eunice tama? Makakalabas ka na.. At makakabalik sa klase mo. But you make sure na itong letter na ito, babalik saakin with signature and with your guardian. Understood?" "Yes po, Ma'am. Pasensya na po!" "Okay. You may now, Go." Pinalabas na yong isa habang nandirito pa rin sila August kausap yung kapatid niya. "Ano mang ginagawa mo, kailangan alam ko. Dahil I'm in charge! Ako ang bahala sayo, Ako muna ang aalalay sayo. Pero please naman! Uggh." - AJ. E gusto ko Aj e! Bakit ba? Bilis ng transition, Sorry. "Will you please stop that! You're not my F-A-T-H-E-R." "Because I am your brother! An older brother. The eldest." Aniya. "Ohkay! Pwede ka nang umalis. Thank you." Aniya habang iniikot-ikot pa ang buhok sa daliri. Napapailing na lamang si Ms. Delos santos sa mga nakikita at naririnig niya. Pati ata siya nagugulat sa Attitude nito. Agad namang tumalikod si Jeremy at akmang lalayas na sana. Ang dali namang kausap nito? "Excuse me, Ma'am. Ako na po ang humihingi ng pasensya para sa kapatid ko." "Okay po, Nakita kasi sila nong isang student around Cafeteria. Nag-kakagulo at ang reason is a guy. Boyfriend ata nong nakaaway niya. Kaya umabot sila rito at inireport nang isang Professor" Rinig kong paliwanag ni Ms. "My ghaad, Rizzi! Seriously? A guy. Ha?" "Mag-uusap tayo sa bahay. Pag-uwi mo!" Nakikinig na lamang ako sa mga pag-uusap nila. "Okay, Since nagreport naman kayo regarding sa nangyari. Kausapin ko na lang rin kayo." "Ikaw yung tinawagan niya, at pinapunta dito? So where's the parents?" Tanong ni Ms. Delos santos. "I'm so sorry about what happened, Ma'am. Ako ang tinawagan niya. Naka-Out of the country po kasi sila for Business. Pasensya na po" "Its okay. So just a quick conversation no? About what happened today is against our school student's handbook. Ang gumawa nang gulo inside the University. So, This is the 1st warning. Sana huwag nang maulit. Para hindi na umabot na masuspend sila pareho sa ginawa nila." Nag-nonod at nakikinig lang na maigi si August sa sinasabi ng Guidance Counsel. "And to you, Ms. Rizzi Monteverde. I hope this will be the last time na mag-kikita tayo rito. Okay? Freshman pa lang kayo. So hangga't maaari. Iiwasan ninyong mag-karoon ng record dito saakin. Why? It can affect your academics. So sayang dahil malayo-layo pa ang tatakbuhin niya sa University. So.. Huwag ninyong sayangin at sirain yung tiwala sainyo ng school. Maintain your good record!" "Rizzi, Narinig mo ba? Inintindi mo ha! Pleasee.. Take this thing seriously. Ayoko ng pumunta uli dito. Marami akong ginagawa para pag-tuunan pa nang pansin yung mga ginagawa mong problema rito" "Ma'am.. Again, Pasensya na po. Thank you po. Mauuna na po ako" Aniya at ngumiti kay Ms. Habang siya e.. Tumango lang. "Rizzi, Aalis na ako. I hope this won't happen again!" "Ok. Fine." Sagot naman noong kapatid niya. Tumalikod na si August at umalis palabas nitong office. Shocks! Ang gwapo ng likod niya. Ang sarap I-back hug. Now.. I know. May kapatid pala siyang mas bata sa kanya. Pero pasaway, Grabe lang sa sakit ng ulo! Mauubos ang ganda ko. Kapag ganyan. Buti na lang at only child ako. O diba nauubos ang ganda ng isang Lorina Genesis! O wala kayo non. Ako lang kasi ang nakakaalam non. Charot! Syempre alam ng nanay ko yun. Habang tinitignan ko ang likod ni August na naglalakad palayo, hindi ko maiwasang mangiti. Pero biglang nawala yung ngiti ko nang maisip ko yung problema namin sa bahay. Yung titulo ng lupa at bahay namin.. Hanggang ngayon hindi namin alam kung saan hahanapin. Kumusta na kaya si Momsie doon? Sana mahanap na niya yung Titulong kailangan namin. Hay.. Tama na muna ang kilig at pag-iilusyon, Genesis! Kailangang kong magseryoso ngayon. Not now, Genesis. Wag muna ang harot today. Hays! Monteverde, ngayon talaga kita kailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD