T-teka napapadalas na ata yung palagi ko siyang nakikita.
Hindi kaya naghahallucinate na lang ako? Teka naman! Bakit naman ako mag-hahallucinate? Ganon na ba ako ka-sira ang ulo?!
Ganon ko na ba siya katinding pinagnanasaan e-este ganon na lang ba epekto niya sakin?
Ano ba Lorina Genesis! Umayos ka nga! Masyado ka nang maharot. Tanggalin na nga natin yung ''MASYADO" Maharot na talaga.
Ee .. kasi naman. He's so HOT, HANDSOME, HOT and Handsome ulit!
"Gene, papunta siya dito." Rinig kong pag-kakasabi ni Rica.
"Ha? S-sino?" Tanong ko.
"Siya!" Saka siya ngumuso.
''Sino ba kasi?"
Kumurap-kurap pa ako, para masigurado kung talagang nasa harap ko siya o Imagination ko lang ang lahat.
T-teka lang! Tama ba ako nang nakikita? Si August ba talaga yung nakikita ko? I mean Jeremy! Nandito siya talaga, So totoo pala.
Teka Anong ginagawa niya dito? Gabing gabi na!
"Ay, abs! Este August?" Bumulaga ang gwapo niyang mukha sa harapan ko.
"Stop calling me August. We're not even close." Diretsong nitong sabi sa pag-mumukha ko.
Ang sungit talaga! Meron ba siya today?
"Hey!" Aniya. Natutulala kasi ako.
"Ha?"
"Are you out of your mind? Hey!"
"Bakit ka nandito?" Biglang tanong ko. Teka tama bang yon agad ang biglang lalabas sa bibig ko?
Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila niya ako palabas nitong pinto sa Bar.
Binaligtad ko na kasi yung signage na nasa harapan noong pinto, Since mag-sasara na nga kasi talaga kami.
"Uy, Teka lang mag-sasara na kami!"
"Paano ako nakauwi?" Biglang tanong niya saakin.
"Nong nakaraang gabi?" Tanong ko sa kanya.
"Can you please answer my question?" At nag-cross arms pa. Sungit talaga! Psh. Teka bakit ba siya nagagalit ng ganyan?
"Ganito ha? Nakita kitang gumegewang gewang dito sa labas. In short lasing ka na. May amats ka na! So tinulungan kitang makasakay ng Taxi at makauwi sainyo don sa condo mo. Yun lang!"
Paliwanag ko.
"What?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Bakit hindi ba siya makapaniwala?
"Tinulungan kitang umuwi sainyo. Hindi mo na kasi kayang mag-lakad nang maayos. Dahil LASING KA NA." Dagdag ko pa. At inemphasize pa ang salitang lasing na siya.
"How?'' Ang daming tanong susme! Paulit-ulit. Nako ha, Pasalamat ka pogi ka.
Napapabuntong hininga na lang ako sa mga tanong niya.
"Tinulungan kitang makasakay ng Taxi. Para makauwi ka ng safe! Sinubukan kong itanong sayo kung anong address mo pero dahil hindi mo na talaga kaya, Pasensya ka na.. Ginalaw ko yung wallet mo. Nag-hanap ako ng ID mo na may Address mo"
"What!" Wala na ba siyang ibang sasabihin kung hindi what and how?
"Nakauwi ka sa bahay mo. Nakapag-pahinga ka, tinulungan kitang makarating kung saan ka man nakatira. Shala ka a? Nakacondo. Uy, ang ganda don. Infairness!"
''Ano? Pumasok ka sa unit ko? Paano mo nabuksan?"
''Huwag kang mag-alala. Hindi ko pinakielamanan yung keys mo. Nagpatulong ako sa mga tao doon sa place." Explain ko. Hindi naman ako ganong kapakielamera no?
"Wala kang karapatan, para puma--"
Pinutol ko na ang sasabihin niya saka ako uli nagsalita.
"Nandoon na tayo sa wala akong karapatan para tumapak doon, Oo. Pero hindi naman puwedeng pabayaan lang kitang matulog sa labas! Kung kaya naman kitang matulungan. Diba?"
"Teka lang, Anong sabi mo?"
''Bigla kana lang bumagsak at natulog sa sahig." Hindi ata siya makapaniwala sa mga sinasabi ko sa kanya e.
"Yon na? Wala nang ibang nangyari?"
"Oo." Bakit may inaasahan pa ba siyang marinig galing saakin?
"Bakit meron pa ba akong dapat sabibin? Yun na yun. Nong alam kong okay ka na, Umalis na ako. Iniwan na kita. Don't worry wala akong ibang ginalaw sa place mo. Wala rin akong ginawa sayo, kung yon ang iniisip mo" Ayan ha! Malinis ang conscience ko.
"Ok. Sige. Convinced na ako. Thank you!" Aniya at tinalikuran na ako.
"Teka, teka saan ka pupunta?" Tanong ko at saka siya hinawakan sa braso.
"Uuwi na ako." Diretsong sabi niya.
"Wait! Sandali lang. Nakahawak pa rin ako sa braso niya.
"What!"
"Ah e.. Ahm!" Hindi ko masabi. Ano ba? Paano ko ba dapat sabihin.
"What's that ah e.. ahm, Ha?" Taas kilay niyang sabi.
"Pwedeng doon sa loob tayo mag-usap?" Sabi ko saka ngumuso dun sa Bar.
"Diyan?" Tanong niya.
"Oo. Puwede? Sagot ko.
"Excuse me, Puwede mo na akong bitiwan."
"Opss.. Sorry.'' At agad ko siyang binitiwan sa braso.
***
Nakatingin lang siya sakin, yung Ano na Look! Na parang nag-aantay sa sasabihin ko.
"Ahm, August? Sandali lang ha, Kukuha lang ako ng tubig."
"Coffee na lang." Singit niya ng tumayo ako.
"Ok sige, Coffee" Gabi na, Coffee pa?!
Nang makabalik ako na ako sa Mesa, Umupo na ako agad para masabi ko na sa kanya yung kailangan kong sabihin.
"So anong sasabihin mo?" Tanong niya saka uminom ng kape.
"Yun na nga.. Akala ko kasi hindi na kita makikita ulit. Kaya ang saya ko nong nag-kita uli tayo tapos ikaw pa ang nagpunta d---"
"Puwede ba sabihin mo na ng diretso yung dapat mong sabihin saakin?"
"Okay, Sorry"
"Its okay but diretsuhin mo na ako pwede?" Aniya.
"Tungkol sana sa titulo ng kinatatayuang lupa ng tirahin namin." Medyo nahihiya ko pang sabi.
"So what's the major problem?" Tanong niya habang nakatingin sakin.
"Pinapalayas na kami sa tinitirhan namin. Hinahanapan kasi kami ng titulo ng lupa, pero wala kaming maipakita."
"Sinong nag-papaalis sainyo?" Tanong niya ulit.
"Project manager ata ng gagawing private property sa lugar namin. E.. Sakop yung lupa ng bahay namin sa gagawin nilang proyekto. Kaya hinahanapan kami ng titulo."
"Sigurado bang may Titulo?"
"Ha?" - Ako.
"Yung lupa at bahay ninyo, May titulo ba talaga or Deed of sale na katunayang naibenta nga sainyo yung lupang napatayuan ninyo ng bahay?"
"Sabi ng nanay ko, Meron. Kaya lang hindi pa namin makita kung nasaan na yung Titulo."
"Yun ang problema namin as of now. Sana matulungan mo kami." Dagdag ko pa.
"Paanong hindi mahanap? As a land owner.. You need to show your land title and other legal documents to that private construction manager!"
"Hindi yon pwedeng mawala. Dahil yun ang magiging legal way para hindi kayo mapaalis sa Property na sainyo nakapangalan!" Paliwanag niya.
"Hindi kasi namin alam kung saan hahanapin. Kaya gusto kong magpatulong. Kung sakali ano pa ang puwedeng gawin"
"Ms. Talina kaya kitang tulungan sa posibleng paraan na alam ko. Kaya lang yung sinasabi mo saaking nawawalang alas ninyo which is the Deed Title para hindi kayo mapaalis, mabigat-bigat yon."
Aniya at lalong sumeryoso ang tono ng boses niya.
"Sabi kasi ni Momsie, nalimutan daw niya kung saan niya naitago. Maghapon kaming naghanap kaso hindi namin nakita. Hindi kami pwedeng bastang umalis doon. Wala kaming ibang mapupuntahan kapag pinaalis kami."
"We need to find out kung nasaan yung titulo with other supporting documents Dahil wala tayong magiging laban dito kung wala yung pruweba na nag-papatunay na kayo ang may ari ng Lupa na tinatayuan ng bahay ninyo."
''This is my calling card. Text me. You can also contact me to that number. In case na may balita na don sa titulo ng property ninyo. At kailangan ninyo ako to discuss everything to you. Saka natin ulit pag-usapan to nang maayos Okay?" Iniabot niya sakin yung calling card niya na agad ko namang kinuha.
"Salamat, August. I mean.. Attorney August! Nakangiti kong sabi.
"No, huwag kana munang mag-thank you. Wala pa akong nagagawa. Saka na kapag okay na tayo sa problema ninyo"
"So hindi kana nagagalit na tinatawag kitang August?"
"No." Maikling sabi niya.
"Edi close na tayo?" Nakangiti ko pang sabi.
"No." Anggulo naman!
"E bakit hindi ka nagrereact?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ang dami mong tanong?" Kumunot ulit yung noo niya.
E.. dapat pala hindi ko na tinanong! Infairness ang gwapo niya lalo, pag nagagalit siya. Parang jowang nag-tatampo lang, Ganon!
"Text me or call me if you need to talk to me. About the case hindi para gawing textmate!"
"Edi, you're my Hot Lawyer na? And I'm your pretty and sexy client." At nag-taas baba pa ako ng kilay ko.
"Hot? Tss.." Oh My! Is he smiling? Mygass! Kinikilig ako. Ang gwapo talaga! Napangiti ko siya. Like OMG!
"Agree ka doon sa sinabi ko ah?"
"No!" Nakatalikod niyang sinabi yun at sumakay na don sa kotse niya. Hindi ko tuloy nakita yung reaction niya.
"Pero maganda at sexy ako, Agree ka don ha?" Dagdag bago siya tuluyang makaalis.
"I disagree!" Grabe naman! Walang patawad.
"Bye! Ingat." Ngumiti ako sa kanya saka kumaway.
Kumunot nanaman yung noo niya at tinaas na yung bintana ng kotse niya. Grabe siya no?
"Feeling close ka kasi, Gene." Singit naman nitong si Rica. Nandiyan pala siya nakikinig, Nagulat ako!
"Pwede ba, magsabi ka kung magsasalita ka diyan. Nagugulat ako sayo e!" Reklamo ko at Inirapan ko siya.
"Feeling ka, Girl." Dagdag niya pa. Saka ako tinawanan!
"Dami mong alam! Dami mong comment" Sagot ko pa sa kanya.
"Ang gwapo non ah? Tapos Attorney pa, Pak! perfect package" Aniya saka ako bahagyang kinalabit.
"Single ba yon?"
"Aba, malay ko. Wala pa akong alam tungkol sa kanya. Bukod sa gwapo siya at masungit! Yun lang."
"Hmm.. Tanong mo next time!" Echusera talaga tong babae na to. Basta gwapo mabilis!
"Bakit bet mo nanaman?" Tanong ko saka naman napataas ang kilay ko.
"Bakit bet mo din?"
"Medyo" Nangingiti ko pang sagot sa tanong niya.
"Wow, Bilis transition ng mood natin ah?" Pang-aasar nito.
"Hoy grabee ka na-"
"Guys, 11:30 na! Uwi na tayo." Singit naman nitong si Jericho.
Napatingin naman ako sa wrist watch at oo nga, Late na masyado. Kailangan na naming mag-siuwi at mag-sara!
"O sige na, Ayusin na natin yung mga natitirang dapat iclose dito sa Bar. Tapos uwi na tayong lahat!" Sabi ko naman sa kanila saka sila lahat na nag-agree.
Mabuti na lang at hapon pa ang pasok ko sa University kaya kahit malate gising kahit kaunti ay ayos lang!
Hayy.. Sana maging okay na ang lahat sa problema namin. Dahil sobrang stressful everytime na humaharap saamin yung Project manager!
Thankful ako kay Attorney August, Kasi unexpectedly dumating siya sa buhay namin, Yon pala matutulungan niya kami sa possible personal problem namin.
Malay niyo may future rin kami together? Charot!