''Momsie, kanina pa tayo hanap ng hanap dito pero kahit saan tayo maghanap hindi natin makita." Saka ako nagkamot ng ulo.
Nabuburyo na ako!
Naman e..
''Lorina anak, Hindi ko na rin kasi matandaan kung saan ko naitago." Aniya saka bumusangot. Pati siguro siya naistress na.
"Pano na po yan? San kaya natin mahahanap yon? Anong sasabihin natin kapag bumalik si kalbo?" Sunud-sunod kong tanong.
"Hindi ko alam Ma! Try kong kausapin yung kilala kong Lawyer. Baka matulungan tayo." Sabi ko.
Ngumiti lang siya sakin.
"Okay, Sige." At yun na lamang ang nasabi niya saakin
"O, Momsie, Mauna na po ako papasok na muna ako don sa Bar.'' Paalam ko sa kanya.
"Kayo na po muna ang bahala rito." Dagdag ko.
"Anong Bar? Anong trabaho mo don? Entertainer? Nako, Lorina masisipa kita. Nagbibigay aliw ka ba doon? Nako nako! Bata ka ha! Yung disente trabaho ang hanapin mo. Pero hindi ko sinasabi sayong mag-trabaho ka habang nag-aaral ka."
"Ma, Ano bang sinasabi mo diyan? Kahit naman maganda yung anak mo at sexy, Hinding-hindi ako aabot sa ganong klase ng Trabaho. May dignidad ako no? Hindi ko po yun gagawin." Paliwanag ko sa kanya.
Masyado naman kasing grabe mag-isip itong Nanay ko. Ginawa pa akong Entertainer sa Bar.
"E anong tinatrabaho mo doon?" Tanong niya sakin.
"Waitress po." Maikling sagot ko.
"Siguraduhin mo lang ha? Alam kong medyo kapos tayo, Anak. Hindi din kita inoobliga na mag-trabaho habang nag-aaral ka pa. Pero susuportahan kita sa gusto mo. Basta maayos yung mga gagawin mong desisyon sa buhay. Lorina, Dalawa na lang tayo. Wala na ang Tatay mo. Ni hindi ko na nga alam kung nasaan na siya. Pero hangga't kaya kitang suportahan gagawin ko." Nako, Napakadami namang sinasabi ni Momsie.
Pero natutuwa talaga ako sa mga sinasabi niyang ganyan saakin.
"Huwag ka lang mag-tatanim sa kanya nang sama ng loob, kahit na ni minsan hindi mo siya nakita." Aniya saka ako tinapik sa Balikat at ngumiti.
"Alam mo, Ma.. Lahat nang sinasabi mo saakin pinakikinggan ko. Nakakatatak yun sa isipan ko. Saka kahit mangyari man o dumating yung araw na biglang magpakita si Papa saatin. Tatanggapin ko siya. Hindi ako magagalit sa kanya. Kahit na ano pa yung nangyari sa inyo at sa Pamilya natin! Saka yun ang turo mo sakin."
"Saka.. Ano ka ba, Momsie tungkol sa pag-tatrabaho ko sa Bar. Puno na sila masyado sa Entertainer kaya nag-Waitress na lang ako!" Biro ko sa kanya.
"Aba! At may balak ka talagang magbigay ng aliw doon ha? Anak ha! Huwag mong pasamain ang kalooban ko. Hoy, kung kailan ba naman gagraduate ka na ng College saka ka pa ba mag-G*g*go."
"Momsie naman parang hindi ka mabiro. Joke lang! Hindi ko sasayangin tong ganda at katawan ko no? Para lang sa mga ganong bagay! There's more to life. Saka I know my worth."
"Saka hindi naman yun kagaya ng Bar na iniisip mo, Ma! Iba yon. Okay ang trabaho doon. Di kagaya nang iniisip mo. So.. Huwag kang masyadong mag-alala para saakin"
"O sige na, Aalis na po ako. Ikaw na po munang bahala dito ha? Ingatan mo ang sarili mo, Ma!" Sabi ko at tuluyan na akong Nagpaalam.
Kailangan kong mag-ipon-ipon para kapag nag-kataong hindi namin maresolba ang problema namin sa bahay, May nakahanda kaming Pera. Para mag-simula uli.
Pero syempre.. As much as possible ayoko sana na umabot kami sa ganoong pag-kakataon na kailangan naming umalis sa Lupang iniwan ng Tatay ko sa Nanay ko.
"O sige, magkaingat ka ha?" - Momsie.
Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyang umalis.
***
Since wala akong klase pupunta na muna ko sa Bar. Baka may kailangang trabahuhin sa ganitong oras.
"O Gene! Bat nandito ka?" Bungad sakin ni Rica. Pag-pasok na pag-pasok ko nang Pinto.
"Itatanong ko lang sana kung pwede ako mag-duty? Wala pa naman kasi akong klase"
"Walang kang klase?" Tanong niya.
"Wala sa ngayon." Sagot ko sa kanya.
"Ay, Oo nga pala. O ayan inabot na sakin yung naging sweldo mo." Sakaniya inabot sakin yung sobre.
"Salamat!"
"Saka.. Nga pala nawala ka kagabi, bigla. Saan ka nag-punta?" Tanong niya.
"Ahh.. e.. Yon. Ahm.."
"Ahh. E ano? Bakit hindi mo masabi?"
"Natatandaan mo yung sinabi kong kakilala kong nandirito kagabi?"
"Yung gwapong lalaki. Ano ngang pangalan non? August?"
"Oo." Diretsong sagot ko.
"O anong meron sa kanya? Siya ba dahilan bakit bigla kang nawala? Sino ba yon, Saka anong relasyon mo sa taong yon? Boyfriend mo yon no?" Aniya saka pa ako siniko sa tagiliran
"Hindi ah!" Agad ko namang depensa sa kanya.
"E sino yon?" Tanong niya uli.
"Unexpected person na nakilala ko, Isang beses. Yung nakuwento ko noon sayo na nabastos ako. Tapos siya yung tumulong saakin."
"Ahh. Yung sinasabi mong poging Attorney?"
"Oo."
"Uy, Talaga? Close na kayo agad? Teka ano ba kasing nangyari, Gene. At bigla kang nawala kasi! Buti na lang hindi ka hinanap sakin ni Boss"
"Hindi naman. Close na close! Sungit-sungit nga e."
"O teka lang.. Bago tayo tuluyang mag-kuwentuhan. Ito muna.. Mag-aayos lang naman tayo ng chairs and tables dito. Dahil mamaya may Event raw"
"Talaga? Sinu-sino daw?" Curious ako kay naitanong ko.
"Mga foreign daw. Like alam mo na.. Mahilig mag-party party. Ganyan! Celebration ata, Ganon. Dito yung napiling place to celebrate. Kaya sure ako na tiba tiba tayo sa magiging sweldo natin for this coming cut-off" Paliwanag niya saakin.
"Uy, Malaking tulong yon saamin. Salamat naman!"
"Alin?"
"Yung madadagdagan tayo ng sweldo for this month." Sabi ko.
"Ah. Kala ko yung mga Foreigners yung sinasabi mo." Sabi niya saka natawa.
"Gaga! Hindi. Alam mo ikaw.. Loka-loka ka talaga no?" Sabi ko at Natawa lang rin siya. Natawa na lang rin siya sa sarili niyang kalokohan.
"Mamaya bumalik ka dito dahil kailangan tayo dito." Sabi niya.
"Hindi na ako uuwi dahil hapon na." - Ako.
"O sige, Ikaw ang bahala!" Aniya.
"O ano na ngang Chika tungkol diyan sa Attorney na yan uli. Bakit kasi bigla kang nawala kagabi?"
"Kasi nga.. Tinulungan ko. Nakita ko kagabi. Lasing na lasing na! Kaya sinamahan kong sumakay at makauwi sa kanila." Kuwento ko.
"Hoy, Ikaw ah? Sinasabi ko sayo! Hinatid mo hanggang sa kanila? Bakit hindi ba niya kayang umuwing mag-isa. Para samahan mo pa siya? Type mo no!"
"Medyo." Saka kami nag-tawanan!
"Tinulungan ko lang, Ano ka ba! Pinag-para ko ng Taxi. Sinamahan ko siya hanggang sa makarating sa tinutuluyan niya"
"Tapos anong nangyari?" Aniya na parang nag-aantay pa ng sunod na sasabihin ko.
Teka.. Ano bang inaasahan nitong sagot pa mula saakin?
"Wala. Yun lang. Hinatid ko lang sa Condo unit niya. Tapos umalis na ako. Ano bang sinasabi mo diyan?"
"Sus.. Kunwari ka pa na parang hindi mo alam ang sinasabi ko" Aniya at sinundot pa ako sa Tagiliran.
"Hoy, Mahiya ka nga sa sinasabi mo diyan!" Alam ko na kung ano yung gusto niyang lumabas galing sa bibig ko. Siraulo rin itong babaeng ito!
"Mahiya daw. E hinatid mo nga sa kanila yung tao."
"Bakit, Makakapagdrive ba yung taong lasing na lasing na? Ni mag-lakad nga ng maayos hindi niya magawa e. Ano ba naman yung tulungan ko yung tao!"
"Asus.. Asus! Hmm.. Parang ayokong maniwala sayo."
"Edi huwag kang maniwala! Basta yun lang yon! Tinulungan ko lang yung tao na makauwi ng safe sa kanila. Since ginawan niya naman ako ng pabor before. Trabaho na nga. Chinichika-chika mo pa ako."
"Okay. Okay sige! Pipilitin ko na lang maniwala sayo" Aniya at may pataas taas pa siya ng kilay saakin.
Kina-kantyaw kantyaw niya pa rin ako kay August. Ako naman itong medyo kinikilig-kilig pa!
"Bahala ka. Isipin mo ang gusto mong isipin, Rica" Natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya saakin.
*** ***
Anong oras na rin pala, Kaya't nagdadatingan na yong mga Guest na inaasahan namin para sa araw na ito. Wala kaming ibang customers na I-aassist today. Since nirentahan nila ang buong bar for something celebration. Birthday ata!
At Oo nga, puro Foreigner sila. Kapag talaga mga foreign hilig nila ang mag-party kahit saan sila makarating.
So since nag-datingan na sila. Pinrepare na namin yong mga Inorder nilang food and drinks.
Dumiretso na kami doon sa Kitchen at inilabas na yung mga pagkaing iseserve exclusive lang para sa kanila!
Hindi ko na nakita si Rica matapos ng sunud-sunod kong pag-aasikaso. Dahil kanya-kanya na kami ng Trabaho.
Asan na kaya yung babaeng yon? Nawawala e!
"Yes sir! Enjoy your food. It's really nice." Alam ko na kung sino yung nag-eenglish na yun. Timbre pa lang ng boses.
"Rica!" Tawag ko sa kanya.
"What?" Sagot nito saakin. Aba may pa What what pa siya ngayon? Watwatin kita e.
"Anong ginagawa mo diyan?" Hila ko sa kanya.
''Ineentertain ko lang yung guest. Bakit?" Aniya.
"Entertain ka diyan? Kailan kapa naging entertainer aber?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Ngayon lang. Teka nga! Bakit ba? Kinakausap ko lang naman." Reklamo naman niya, saka pa kumindat saakin.
"Waitress tayo dito. Hindi Entertainer! Naiintindihan mo, Kaya umayos ka. Baka makita tayo ng Boss natin at mapagalitan ka diyan!"
"Alam ko naman yun no! Kinakausap ko lang naman."
"Sige. Alam mo ha! Alam mo yan." Tanong ko.
"Kinakausap ko lang! Ito naman. Masyado ka!" Diretsong sagot niya sakin.
"Halika na dito!" Hinila ko siya uli pero pilit siyang bumabalik don sa foreigner na kausap niya.
"Excuse me? Is there any problem?" Singit ng foreigner saamin.
"No, Sir. There is no problem here." Sagot naman ni Rica saka nagpacute pa.
Ano bang binabalak niya? Siraulo talaga itong babaeng ito.
"Rica!" Suway ko sa kanya.
"Mine your own business! Mamaya na tayo mag-usap" Aniya saka ako tinalikuran.
"Ang gwapo niya!" Dagdag niya.
"Sabi na e! Type mo. Buwisit ka talagang babae ka."
"Leche! Inggit ka lang." Sabi niya pa.
"Ewan ko sayo! Pag ikaw nakita diyan ni Boss ah? Bahala ka." - Ako. At bumalik na lang don sa counter.
"Sige na, Ako ang bahala!" Aniya.
Pag ako hindi nakapag-pigil masasabunutan ko tong isang to!
Humaharot nanaman! Umeenglish pa, kaloka tong babaeng to.
***
Nang matapos yung party at event na naganap, Siya namang dami ng kalat na naiwan.
Nakakapagod maglinis sa ganitong kadaming kalat. Pero parte to ng trabaho kaya hindi dapat ako na mag-reklamo.
"Oh my gash! Ang gwapo talaga ng foreigner na yun, shocks." - Rica.
''Ingay mo!" Sabi ko.
"Pwede bang maglinis kana lang diyan!"
"Bat nagsusungit ka? May regla ka ba today?"
"Kasi hindi mo na ako natulungan kanina. Ang daming orders. Kaloka ka talaga pag may natatypan ka." Sabi ko.
"Hindi ka kasi gumaya sakin kanina." Aba, proud pa siya sa ginawa niya ah? Pasalamat siya hindi siya napapansin kanina ng Manager. Nako-nako talaga itong babaita na to!
"Hindi ko kailangang gumaya sayo. Saka hindi ko type yung mga yon" Sabi ko.
"Talaga lang ha? Hindi nga!'' - Rica. Nang-aasar pa.
"Ewan ko na lang sayo. Baka yung lalaking nakausap mo bago mo magustuhan may sabit tapos madaming anak!" Natatawa ko pang sabi sa kanya
"Oy grabe ka naman! Hindi naman lahat no."
"Saka ano ka ba, Kinakausap ko lang naman. Hindi ko naman jojowain!"
"Hay nako kala mo lang! Mukha lang yung bata, tapos marami na pa lang anak" Dagdag ko pa.
"Ikaw alam mo ang bitter mo sa life" Aniya.
"Basta ako sinabihan kita. Wag kang magpa-easy to get, Rica. Nako! Foreigner pa ang gusto mo? Sus!" Sabi ko. Malay ko bang may sabit yun o wala.
"Oo na. Ichusera ka lang talaga no?" Sabi nito.
"O siya sige, babalik na muna ako sa Counter." Aniya saka na ako tinalikuran.
Masyadong mahaba ang araw na ito. Nakakapagod pero salamat rin at nag-karoon dito ng Event at marami kaming guest na natanggap ngayon.
Alis diyes na din pala ng Gabi. Maya-maya lang mag-aout na kami. Closing na. Sa susunod na araw naman!
"Jericho, Tulungan niyo si Genesis mag-taob ng Chairs at Tables ah?" Rinig kong pag-kakasabi ni Rica.
"Oo. Kaming bahala!"
"Sandy, Pahelp naman dito. Isasara na natin yung Door Entrance."
"Okay, Iclose ko na muna yung sa Exit"
Binaligtad ko na muna yoong Signage sa door entrance from Open to Close. Nang may makita akong Pamilyar na face sa labas.
"Gene, Papunta siya dito." Rinig kong pag-kakasabi ni Rica.
"Ha? S-sino?" Tanong ko.
"Siya!" Saka siya ngumuso.
''Sino ba kasi?"
T-teka lang! Tama ba ako nang nakikita? Si August ba yung nakikita ko? I mean Jeremy!
Shocks! Totoo ba to? O Hallucination ko lang?
Teka Anong ginagawa niya dito? Gabing gabi na!