#3: AJ Monteverde❤

2078 Words
Nag-iisa ba siya? Wala ba siyang kasama na Kaibigan, Workmates or Colleagues niya? Like pumupunta pala siya sa mga ganitong lugar? Pero sa bagay hindi rin naman basta-bastang Bar ang lugar na ito para sa isang tulad niya. This is actually a Bistro. More like Bar ganon at nasa sentro kami kaya dinadayo talaga kami ng mga tao. Even foreigners na nagagawi sa lugar na ito. Nakatingin lang ako sa kanya mula dito sa kanina pa'y kinatatayuan ko. Loner lang ang ganap? Uso ba sa kanya ang salitang socialize? Siguro naman may mga kaibigan siya no? Nag-kataon lang sigurong mag-isa siya ngayon. Tinitignan ko pa rin siya at hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa kanya. Baka kasi bigla siyang mawala, kapag inalis ko ang mga mata ko sa kanya. Tapos ma-realize kong hindi pala totoo ang nakikita ko. Char! Wala lang! Natutuwa lang akong tignan siya, Ganon. Naaaliw ako sa presensya niya! Inom lang siya don ng inom sa hawak niyang bote ng Beer habang ngumunguya pa. Hindi ko alam kung ano yung kinakain niya. Hindi ko masyadong makita, pero parang chi-cha lang. Di ba masyado akong pakielamera? Na ultimo pati ang kinakain niya e... Gusto ko pang alamin at malaman?! Ay! Basta nakukuha niya ang atensyon ko. At higit sa lahat guwapo siya. Napaka-neat niya pang tignan Haay.. Itsura pa lang. Mukha na talagang mabango. ''Uy!" "A-ano alin yon bakit? Bakit anong meron?" Nagulat naman ako sa biglang pagsigaw nitong si Rica sa tabi ko. Bwisit o? Babasagin niya ba ang Eardrums ko sa lakas ng bibig niya? "Ano, Diba sabi ko sayo.. Ang gwapo ni kuya! Ayaw mo pang tignan kanina. Tapos kilala mo pala." Aniya na parang nagtatampo pa. "Ha? Sino ba yung sinasabi mo?" Tanong ko rito. "Pa inosente ka pa! E tinawag mo pa nga ang pangalan niya diba?" Dagdag niya. "E sino ba?" Tanong ko uli. E hindi ko nga alam kung sino yung sinasabi niya saakin e. Psh! -__- "Yun o?" Tinuro niya yung lalaking sinasabi niya sakin. Tsaka ako tumingin sa direksyon noong lalaking tinutukoy niya. Nginitian pa ako ni kuya, matapos ko siyang tignan. Teka lang ha? Hindi ko siya type. Mukhang basag ulo at mukhang hindi gagawa nang maganda. First impression lang naman pero hindi ko kasi kilala ang tao na yon. Ni ngayon ko nga lang ata nakita yan dito sa Bar. "Hindi siya yung lalaking tinawag ko kanina. Ni hindi ko nga yan kilala. Ano ka ba!" Paliwanag ko. "Ha?" - Yun na lamang ang naging reply niya sa sinabi ko. "Ewan, bahala ka nga diyan." Sabi ko na lang. *** Matapos kong magserve sa ibang customer at gawin ang trabaho ko.. Bumalik na rin ako doon sa tabi ng Bartender. Tinignan ko uli kung nandoon pa si August pero wala na siya. Ang tanging nakita ko na lang doon ay yung lalaking kanina pa sinasabi ni Rica saakin. Tipo talaga nang mga babae na yun itsurang mga Bad boy. Parang palaging may makakaaway. Tibay nitong isang ito ah? Teka! Asaan na ba si August? Nag-ikot ikot na ako dito sa buong Bar pero wala akong August na nakita. Hanggang sa napunta na ako sa Main exit nitong bar. Nakatalikod pa lang ang taong yun, alam ko na kung sino siya. Wala lang madali lang kasi ako makatanda ng tao kahit naka-side view man siya o kahit medyo malayo pa. Pagewang-gewang pa siyang naglalakad papunta doon sa Taxi na pinara niya. Nag-decide akong lumapit sa kanya para tulungan siya dahil lasing na lasing na siya para makalakad pa nang maayos. "August!" Tawag ko sa pangalan niya pero hindi agad siya lumingon. Kaya naman inulit ko ang pag-tawag sa pangalan niya saka siya lumingon saakin nang tuluyan. "Who are you?" Tanong niya saka ako tinuro. Ang bilis naman makalimot ng taong to. Nagkaka-Amnesia kapag lasing. "Genesis. Genesis Talina. Naaalala mo?" - Balik ko naman ng tanong sa kanya. Para akong eng-eng na nakikipag usap sa taong may tama na dahil lasing na. Umiinom ba talaga siya nang ganito? Parang sobra naman ata ang pag-inom niya nang alak at lasing na lasing siya. "Ah, Talina. Sino yon?" Hay nako! Akala ko ba naman. "O sige sakay na." Binuksan ko yung pinto ng Taxi para agad na siyang makasakay sa loob. "Teka lang ang bigat mo naman!" Reklamo ko. "Kuya, puwede po bang tulungan mo ako dito." Pakiusap ko doon sa Drriver ng Taxi at agad naman niya akong tinulungan at inalalayan hanggang sa makapasok at makasakay siya. "Ma'am saan po kayo?" Napanganga na lamang ako sa tanong na narinig ko mula kay Manong driver. Ee.. Hindi ko nga alam kung taga saan ang guwapong nilalang na to ihahatid. "August? August, saan ka ba pwedeng ihatid. Anong address ng tirahan mo?" Sinubukan ko siyang tanungin. Baka sakaling masagot niya ako kahit may Tama na siya ng Alak. Pero wala akong narinig na matinong sagot galing sa kanya. Ay grabe naman kasi, Ano kayang problema ng taong ito at bakit umabot siya sa puntong Lasing na lasing siya na ganito? Saka hindi ba muna niya inisip na kapag nalasing siya hindi na siya makakapag-maneho. Ay nakakaloka tong lalaking to! "Teka lang, Manong ah? Susubukan kong icheck yung wallet niya baka sakaling may kopya siya dito ng ID niya. Baka makita ko yung Address niya." Tinry ko namang icheck ung ilang bulsa sa suot nyang pants hanggang sa makuha ko yung Wallet niya. Chineck ko yung ilan sa mga ID's niya na possible mayroong Address niya. Sa Quezon city pala ang place niya. Oh, Okay! "Manong, Hatid mo kami sa lugar na ito. Sierra Place Condiminium sa Maginhawa Teachers village, sa Quezon city" Sabi ko doon sa Driver at agad nang ibinalik yung kinuha kong ID sa wallet niya. Habang ito namang si August e.. Himbing na himbing ang tulog. Hindi na ako nakapag-paalam sa Bar at bigla na lamang akong umalis. Alas nuwebe na rin ng gabi pero hanggang Alas-onse pa ng Gabi ang duty ko sa Bar. Tatawagan ko na lang mamaya si Rica para malaman niya kung nasaan ako. *** Ibinaba na kami ni Manong sa tapat ng Isang malaking Building. Hindi ko kayang akayin mag-isa itong si August kaya naman nagpatulong ulit ako kay Manong para makababa siya ng maayos. Woaaah! Ang laki at ang taas nang Building na ito a Kanya to? Ay mali! Condominium nga pala ito. "M-matutulog na ako." Aniya saka ito biglang bumitaw sa pag-kakaangkla saakin. "O sige, kaya mo? Bala ka." Bulong ko rito. Pagewang gewang siyang naglakad papasok don sa pinaka main entrance nitong buong building. Nang bigla siya matumba at bumulagta sa sahig. Sabi na e.. hindi niya kaya! Makulit rin pala ang isang to, Kapag nakainom. Feeling strong e! Kala niya siguro kakayanin niyang buhatin ang sarili niya. "O ano diyan kana lang matutulog? Gising huy! Hindi ka pa nakakarating sa loob, August!" Para akong tangang nakikipag-usap sa taong lasing. Hay, bakit ba kasi umiinom ng ganyan karami e.. Hindi naman pala niya kaya. Tsktsk. Since hindi ko naman siya maitayo ng maayos. Pinasandal ko na muna sya sa Wall. Pumasok ako sa Entrance nitong place at dumiretso sa Reception area. "Sir, Magandang gabi po, Mag-tatanong lang sana ako kung saan ang Unit noong kasama ko. Pa-assist naman kami. Lasing na kasi siya at hindi na niya kayang mag-lakad. Kaya inuwi ko na siya dito sa kanila. Patulong naman." Sabi ko don sa lalaking nasa Reception area mismo nitong Condominium building. "Good evening po! Okay, Ma'am. May I know na lang kung anong pangalan ni Sir or kahit pahingi na lang po ng ID niya." "Okay, Sandali lang ha." Susko ano ba itong pinag-gagagawa ko. Baka mamaya pag-isipan pa ako nang hindi maganda dito. Pinilit kong itayo si August doon sa sinasandalan niya, Saka ko siya iniupo sa isa sa mga Couch dito sa Lobby. "Ito, Sir." Abot ko doon sa Receptionist. May mga chineck at verify siya sa Computer na nasa harapan niya. Saka nito ibinalik saakin ang ID. Tapos may tinawagan siya, Nag-antay kami saglit kaya may bumabang Isa pang lalaki dito sa Lobby "Ma'am siya na po ang tutulong sainyo paakyat ng 6th floor sa unit ni Sir." Sabi noong receptionist saakin saka ito ngumiti. "Okay, Salamat." Inakay na noong Isang lalaki si August pasakay ng Elevator. Hanggang sa makarating at makababa kami sa floor ng Unit niya. Narating namin yung mismong unit niya. May tinap si kuya na parang manipis na Card sa harapan noong door knob saka nagbukas ang Pinto nitong mismong Room. Pumasok na kami sa loob at tinulungang makahiga si August sa parang malaking couch niya sa room na ito. "Salamat po, Sir." Sabi ko doon sa lalaking tumulong saamin. Ang laki naman nito, hindi lang ito basta kuwarto para sa isang tao. Bahay na ito, Actually. Parang doble o triple pa ata ang laki nito sa bahay namin. Hindi ko tuloy maiwasan na mamangha sa nakikita ko. "Sige po Ma'am, Tawag na lang po kayo sa lobby sa baba kapag may kailangan pa kayo." "Sige po, Salamat uli." "Ma'am, matanong ko lang po Girlfriend po ba kayo niyan ni Sir?" Nagulat naman ako dito kay kuya, Akala ko ba tuluyan na siyang lumabas? A-ano daw? G-girlfriend nino. Ni August ako?! "Ha, Ano po?" Yan na lang ang nasabi ko. "E kasi Ma'am, Ngayon ko lang nakita yang si Sir na umuwi dito na may kasamang babae." Paliwanag ni kuya sakin. "Talaga ba? Este Totoo ba?'' "Opo, Ma'am!" Maikling sagot niya. "Sige, po mauna na po ako sainyo. Pasensya na po at naitanong ko pa." Bago siya tuluyang lumabas nitong unit ngumiti pa siya sakin. Chusera itong si Kuya. May pagka-chismoso siya ah? Ang weird ng ngiting nyang yun. Nyaay! Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya sakin kanina? Like seryoso ba? Wala pa siyang babae na nadadala dito or Wala pang babae ang nakakarating dito sa Condo unit niya! Hmm.. Haay! Ewan. Tumayo ako para magpunta sa kusina nitong bahay niya para kuhaan siya ng Tubig na maiinom para naman mabawas-bawasan yung pag-kalasing niya. "Genesis!" Hinigit niya ako sa braso bago pa man din ako tuluyang makalayo sa kanya. "A-anong sabi mo?" "Dito ka lang." Aniya. Saka niya ako hinila dahilan para mapaupo ako doon sa couch kung saan siya nakahiga. Ano bang problema nito? Ganito ba talaga siya pag nakainom? Bilang nakaupo na lang rin naman ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko na lang muna ang gwapo niyang mukha. Shet! Ang gwapo talaga. Ilang packs kaya abs nito? Opss .. Kumalma ka, Genesis! Akmang hahawakan ko yung pilik mata niya nang bigla niyang hawakan yung kamay ko. Gising ba to? "August!" Tinawag ko siya pangalan niya. Gising ka na ba? "Don't call me that!" Aniya. "Call me, Jeremy." Saka siya ngumiti pero nakapikit. May saltik ba to? E .. Ang kulit e. Pasalamat ka gwapo ka at hot ka. Hmp! "May pandesal ka diba? Ilang packs ba yan?" Putek! Ano bang sinasabi ko? Shocks! Wag ganon, Lorina Genesis! Nakakatawa. Ako ata ang nakainom saaming dalawa e. Huwag mong samantalahin hindi porket tulog at wala siya sa sarili niya. Kalma, Self! Huwag malandi. Halayin mo siya pag gising para masaya. Ay! Ano ba? Tatayo ako ulit para pumunta na don sa kusina nitong unit niya. Kukuhanan ko na muna siya ng Tubig para mahismasan siya. Ano ba yan? Bakit hindi na niya ako hinila? *** Matapos kong kumuha ng maligamgam na tubig. Inilagay ko na muna yon sa mesa para pag-gising niya iinumin na lang niya. Kailangan ko nang umalis at may trabaho pa akong naiwan doon sa bar. Bago pa man ako tuluyang lumabas ng pinto, Tinignan ko uli yung natutulog na si August, ay Jeremy pala ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Haay.. ang gwapo talaga. Pasalamat ka hindi ko tinignan yang Pandesal mo. Nako, nako pag nagkataon.. Kidding aside! ----- Bumaba na ako mula 6th floor. Mas pinili kong maghagdan keysa mag-elevator. Natatakot kasi ako dahil baka mamaya may mangyari pa sakin. Like mastock ako sa loob nong Elevator. Kagaya nong napapanood ko sa TV. Kakapanuod ko nang kung anu-ano.. Kung anu-ano na rin tuloy ang pumapasok sa Utak ko. Nakakapagod, Mag-hagdan. Kasi mula 6th floor hanggang lobby ang binaba ko. Medyo nakakahingal pero ayos lang. Nang makalabas na ako nitong Building nag-antay ako ng Taxi na pwede kong sakyan pabalik sa Bar. Agad akong sumakay ng Taxi. At sinabi sa Driver kung saan niya ako ibababa. Teka! Wala pala akong dalang pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD