Sa nangyaring iyon, naramdaman ko na naman ang agwat naming damawa. Hindi dapat ako makitungo ng ganoon sa kaniya, empleyado niya lang ako at boss ko siya. Kinain ko ang mga pagkain na natira kanina at halos hindi naman nakain ang mga pagkain, kaya idinala ko ito sa maintenance department para makakain ang iba ko pang kasamahang janitress dito. Pag sapit ng alas dose ay nagpunta lang ako sa lounge, wala ng gaanong tao ngayon dito dahil halos umuwi na lahat at tanging mga security guard na lang ang natitira. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lounge. Huminga ako ng malalim at hindi ko ba alam kung bakit nalulungkot ako sa ngayon, hindi ko dapat dibdibin iyon dahil wala lang dapat 'yon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagagalit ako. Dapag ay wala naman akong pakialam sa buhay ni M

