Hindi matanggal ang gulat sa 'kin tungkol sa nangyari kanina. Totoo ba 'yong sinabi ni Mr. Castrello? O sadyang panakot niya lang iyon sa 'kin para hindi na muli ako makiusyoso sa ganoong bagay? Kung pupuwede lang ibalik ang oras ay pipiliin kong sana hindi ko na lang nakita iyon. Panay ang pikit ko ng mariin sa tuwing naaalala ko iyon. “Samarah!” tawag sa akin ng kung sino dahil tulala ako rito sa lounge. Tumingin ako rito at nakita kong si Aldrich iyon kasama si Kahlil. Abalang pumipindot-pindot sa cellphone si Kahlil at mukhang may tinatawagan. Si Aldrich naman ay nakasandal sa may pintuan at nakatiingin sa akin. “Baket?” tanong ko kay Aldrich. Tumayo ako sa couch at pinagpagan ang damit ko. Ano'ng ginagawa nila rito ng ganitong oras na? Alas siete na ng gabi. Kung sabagay, pins

