Nang makita ko ang pangyayaring iyon kanina ay mabilis akong umalis sa opisina ni Mr. Castrello. Alas dose na ng bumalik ulit ako sa opisina ni Mr. Castrello. Walang bakas na nangyari kanina na inisip ko na lang na isa lang 'yon sa guni-guni ko. Wala na ang mga kalat dito at wala na ring tao. Nilinis ko ang opisina ni Mr. Castrello ngunit hindi ko mapigilan na maalala ang mga pangyayari kanina. Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko ro'n. Hindi matanggal sa isip ko ang mumunting ungol nilang dalawa habang ginagawa ang bagay na 'yon. Hindi mawala sa isip ko 'yong mga galaw ng katawan nila. Napuyat ako dahil sa kaiisip sa nangyari kagabi, pero ipinagsawalang bahala ko muna ito dahil kailangan kong mag focus sa trabaho ko ngayon. Nang makita ko s

