CHAPTER 13

2532 Words

Kinalkal ko ang basurahan para hanapin 'yong resume ko. Mabilis ko naman itong nakita. Medyo na gusot na kaya inayos ko ito. Umayos ako ng tayo at balak ng umalis sa building na 'to. Oo, masakit ang mga nangyaring iyon pero wala na akong panahon pa para dibdibin ang lahat. Ang kailangan kong atupagin ay bagong trabaho. Nagulat ako nang may isang kamay na nakalahad sa 'kin. Gulat akong napatingin kaya inilahad ko rin ang kamay ko at nakipagkamayan. “Sorry sa inasal ng pinsan kong si Sean, Samarah,” kamot batok na sabi ni Kahlil sa 'kin. “Tara coffee?” pagaaya nito sa 'kin. Binitawan ko ang kamay niya at tipid na tumingin sa kaniya. “Salamat, pero kailangan ko nang umalis para mag hanap ng trabaho.” Luminga linga ako sa paligid at nakita kong bumalik na sa dati ang eksena sa likod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD