Pag gising ko ay agad akong nag ayos upang mag hanap ako ng bagong trabaho. Kailangan kong kumilos para hindi ako mabaon sa kahirapan, kailangan kong ihaon ang sarili ko—hindi lang ang sarili ko kung hindi pati ang anak at pamilya ko. Inayos ko ang resume na gagamitin ko, nakapagtapos naman ako ng kolehiyo siguradong may maa-applyan naman ako kahit papaano. Sumakay ako ng jeep upang mag tungo sa iilang mapag aaplyan ko ng trabaho. Nakita ko sa dyaryo iyong mga tindahang nangangailangan ng iba't-ibang trabaho. Kumatok ako sa isang opisina. Ayon sa dyaryong nabasa ko, kailangan daw nila ng sekretarya. Sa kasamaang palad, wala akong alam sa gano'ng bagay. Tanging sa agrikultura lang ako magaling. Pinasadahan ako ng tingin ng isang security guard. Tumingin siya sa suot kong damit na mini

