CHAPTER 18

1772 Words

Matapos kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Pinipilit pa ni Mr. Castrello na siya na lang ang mag ligpit ngunit hindi ko hinayaan na ligpitin niya ang mga pinagkainan namin. Tulak-tulak ko ang cart ngayon pabalik ng cafeteria. Nang biglang may tumawag sa 'kin kaya lumingon lingon ako kung saan nanggaling iyon. “Samarah!” Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao rito sa cafeteria. Patuloy ko pa rin itinutulak ang cart nang biglang may tumawag na naman kaya itinigil ko ang pag tulak dito. “Samarah!” pagtatawag nito sa mas malakas na boses. Napapatingin naman ang mga empleyadong kumakain sa cafeteria dahil sa ingay na iyon. Sino ba kase 'yon?! Nag palinga-linga pa ako nang makita ko si Aldrich at Khalil na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD